Category Archives: Top 10

Top Ten Senti Mode

lo

Hello mga katoto…

As an OFW madalas tayo mag senti mode… \here are the top 10 senti mode ng isang OFW

Senti mode kapag..

  1. Senti mode ka kapag, Pasko at bagong taon… ito na pinaka malungkot na season sa taon
  2. Senti mode ka kapag, birthday mo or birthday ng mga mahal mo sa buhay.
  3. Senti mode ka kapag, Anibersaryo nyo ni Missis, GF/BF or Parents mo at wala ka sa pinas para greet sila.
  4. Senti mode ka kapag, summer na sa pinas, makikita mo sina insan at pamilya mo na nag outing.
  5. Senti mode ka kapag, Valentines na, lalu na kapag nasa pinas ang sweetie mo.
  6. Senti mode ka kapag, Mag isa ka lamang mag simba, kumain sa resto o mamasyal sa mall, mahirap yung kausap mo lang sarili mo.
  7. Senti mode ka kapag, may namatay sa pamilya mo at hindi ka maka uwi
  8. Senti mode ka kapag, wala ka ng pera at hinihintay mo susunod na sweldo.
  9. Senti mode ka kapag, nahihirapan ka sa trabaho at masungit ang boss mo
  10. Senti mode ka kapag, may nag babakasyon sa pinas at na-iingit ka….

 

Leave a comment

Filed under All about blogging and bloggers, Top 10

10 dahilan kung bakit dalawang billion pesos ang parking building sa Makati

makati-city-hall-makatiphoto-20140723-1

 

  1. Bago ka pumasok sa Car Park building may babati sa iyong virtual image ng isang sexy babae at bibigyan ka ng derection.
  2. Aircondition ang nasabing carpark
  3. May sensor ito para sabihin kung ilan ang available na parking space
  4. Maliwanag ang carpark at tadtad ito ng LED lights
  5. Kumpleto ang security features, ang mga security guards dito ay personally trained ng mga PSG at U.S. Secret Service
  6. Ang mga CCTV camera dito ay 200 mega pixel resolution na pwedeng access sa mobile application mo at may free 16 MBPS Wifi
  7. Green building ito, yung usok na lumalabas sa mga kotse ay nacoconvert ng pabango amoy Eternity at Cool Water
  8. Earthquake, Fire, Bomb, Typoon at Bullet Proof ang building na ito. At higit sa lahat Riding & Tandem Proof ito.
  9. Automatic na malilinis ang kotse mo habang naka park, dahil may automatic sprinkler system sa bawat parking at may robotic arm para punasan ang kotse.
  10. At ang pinaka dahilan ay… lumalaki na ang mga bata.

 

NB

Hindi lahat ng Pilipino ay bobo, bakit kaya binoboto pa ang mga taong ito?

Leave a comment

Filed under Politika ATBP, Top 10

Top 10 Sports that a Filipino Cannot Excel

sports-silhouettes

 

Kmusta ulet, hindi ko mapigilan ang sarili ko na sumulat ulit dahil para itong kati sa ilong ko na kailangang kamutin.

 

Hanga ako sa ating lahi, at hindi ko minamaliit ang kakayahan ng bawat Pilipino man o ibang lahi nguni sa aking opinion, may mga palakasan na sadyang Genetically design sa mga ibang lahi.

 

Eto ang sa tingin ko top 10 na palakasan na hindi tayo mangingibabaw o mage-excel.

  1. Basketball, huwag sana magalit ang mga taga barangay Ginebra, lumake ako na naglalaro ng basketball, isa ito sa kinalakihan kong sports, ngunti sadyang hindi ganun tayo katangkad at a katawang lupa natin ay hindi naka design sa sports na ito. Tignan mo ang mixbreed na atleta sa basketball, yung anak ni bobby parks, yung mga fil-am, mas mabilis sila dahil hybrid sila, aminin man natin o hindi ang basketball ay sukatan ng taas at lakas, oo matatalino tayo at may puso, pero kulang pa yun, masakit mang isipin pero yun ang tutoo.
  2. Swimming, ulet, kailangan mo ng mahahabang kamay, kamukha ng basketball hindi parin tayo naka designpara dito.
  3. Track and field – kahit may Lydia De Vega na tayo at Elma Muros, mahirap taluning ang mga africano sa labang ito.
  4. Volleyball, alam ko na super seksi ang pinay volleyball player (well sa akin yun) pero ang mga makakalaban nila ay mga 6’5” na players.
  5. Football, oo sikat ang mga askal, tignan nyo naman ang mga payers nila kalahati imported.
  6. Rugby, hindi ito yung sinisinghot ng mga batang kalye kundi ang American football, labanan ng mga higante. Imaginin mo makikipag rugby si papa Piolo, hhhhmmm pwede..
  7. Baseball, sabi nila pwede daw tayong mag excel sa sports na ito,…  siguro nga, …  kaya lang bibihira ang naglalaro o di ganun ka sikat.
  8. Badminton, magandang exercise, masayang laruin, hindi ko lang makitang kaya nating maging number one sa sports na ito.
  9. Tennis, stamina ang kailangan dito at bilis, may bilis tayo pero pagdating sa strength and stamina hindi tayo ganun katibay kung kumpara mo sa mga naglalakihang mga players.

10. Triathlon, katulad ng tennis, stamina ang kailangan dito.

 

 

Uulitin ko, hindi ko minamaliit ang lahi natin, siguro kung develop country tayo at hindi tayo third world country, baka ilan sa sport na nabanggit ko ay pwede tayong maging number one. Nag uumpisa kasi ito sa economy, kung ano kinakain ng tao para ma develop ang katawan niya, ang exposure sa international competition na alam naman natin na mas gugustuhin pang ibigay sa mga fake NGO’s ang pondo na sana para sa ikauunlad ng bayan.

1 Comment

Filed under Sports, Top 10

Top 10 Sports that a Filipino can Excel

Sport-Silhouettes-main

 

Kmusta na mga ka-blog, matagal tagal na akong may post sa lungga ko kaya pagbibigyan ko sarili ko at magsusulat naman ako ng bagong obserbasyon.

Bilang OFW kilala ang pinoy bilang masipag, matalino at maaasahan na empleyado, kilala din tayo sa ibang basa na magaling kumanta at makisalo sa mga ibang lahi.

Kailan lang nabangit na naman ang Pilipinas dahis sa figure skating at may mabubuga pala tayo sa sports na ito. Naisipan ko na mag pahayag ng sampung palaro na pwede tayong maging numero uno sa mundo o kahit ma “recognize” man lang na isa tayo sa lahi na magaling sa larangan ng sports na ito.

  1. Boxing – di na nating dapat ipatunayan yan, may “pambansang kamao” nga tayo
  2. Bowling – isang pinoy ang kasama sa Guinness Book of world records dahil sa galling niya.
  3. Billiards – hindi lang si Bata Reyes ang sikat, may Django Bustamante at Dennis Orcollo tayo at marami pang iba.
  4. Figure skating – syempre kalian lang nabigla ang mga puti dahil may brownman na nasa yelo at sumasayaw.
  5. Karate, Judo, Taekwondo – dahil pantay pantay at may weight division may chance tayo para sumikat sa mga martial arts na ito.
  6. Archery – sa tingin ko pwedeng pwede tayo maging mahusay sa pana, dahil hindi kailang dito ang taas o lakas.
  7. Shooting – kapareho ng archery, pulso ang kailangan bigyan ng pansin
  8. Synchronised Swimming – ang sabi nga nila mahilig sumaya ang pinoy, kaya sa tingin ko kaya natin ito.
  9. Equestrian – sa totoo lang kasa na dito ang kabayo, kung magaling ang kabayo mas malaki ang chance na manalo.

10. Chess – likas na matalino ang pinoy kaya wala akong maisip na dahilan para hindi tayo maging isa sa mga kinatatakutan na kalaban.

May dagdag pa ito

11. Table Tennis – ang mga Chinese ang magaling dito, pwede din tayo mag excel ng effort dito

12. Weight Lifting – by weight division din ang laban dito kaya mag chance tayo umangat.

13. Gymnastic- likas na magaling sa arts ang pinoy, gymnastic is more of an art

14. Wushu – same with gymnastics

15. Darts – laro ng mga lasengo o pasosyal? Kailangan mo ng disiplina at matinding konsentrasyon na isa sa katangian ng pinoy.

Lahat ng nabangit sa itaas ay may chance tayong umangat, ang kailangan lang ay supporta ng gobyerno, ng mamayanang Pilipino, exposure o makilaban sa labas ng bansa at tamang technical coaches at hindi yung rekomenda ni congressman o ni mayor.

1 Comment

Filed under Sports, Top 10

10 natutunan ko sa bagyong yolanda

Bilang isang tao, madami dami na akong naranasang kalamidad, may bagyo, lindol, umulan ng buhangin sa tanghaling tapat na may kasamang lindol, lahar, malaking baha sa bawat taon.

Oo naranasan ko na ang mga yun, pero di ko pa naranasan ang bagsik na gaya ni yolanda.

Sa aking obserbasyon eto ang mga natutunan ko sa bagyong ito.

  1. Hindi tayo handa sa ganitong bagyo, sanay na tayo sa kalamidad, pero 1st time natin natikman ang 200 to 250 km per hr na hangin.
  2. Storm serge – 1st time ko narinig ito sa balita, akala ko at ng karamihan ay high tide lang ito o isang flash flood, flash flood nga naman , kaya lang flash flood with steriods ika nga, o isang mabangis na flash flood at nakamamatay.
  3. Parang lahar disaster din ang dinaanan ng super typhoon, noong lumaragasa pa ang lahar sa pampanga, mabubura ang isang bayan at totally walang bahay at gobyerno, kalsada, puno, kuyente o kahit ano pa man dahil nasa ilam ito ng lahar, sa super bagyo, lahat naman nawalis.
  4. Matulungin pa rin ang tao, ibat ibang bansa ang nagbigay ng tulong sa Pilipinas, ito ay patunay na may pag-asa pa.
  5. Malakas parin ang pananampalataya ng pinoy, kahit umiiyak, may panahon pa ring mangarap at bumangon.
  6. Hindi parin mawawala ang kawatan., dadayo pa ang ibang kawatan para lamang mag loot ng gamit.
  7. Madaming bayani pa rin sa bayan ni Juan.
  8. Epal pa rin ang mga TRAPO
  9. May alam na ngayon tayo kung ano paghahanda sa isang super typhoon.
  10. Sira na ang political career ni Mar Roxas.

1 Comment

Filed under Life as we know it, Top 10

Top ten reason why you want a political dynasty…

isalang

Ibat ibang klase daw ang tao,

may doktor

may arkitekto

may sundalo

may guro

may mangagawa

at may politiko

Alam ko at alam ninyo rin na tayong ordinaryong mamayanan at hindi pabor sa Political Dynasty.

Alam ko rin na kaya ang iba ay pabor ka so political dynasty ay may hidden agenda … ..

Katulad ng mga sumusunod…

una, isa kang politiko at gusto mong manatili sa pwesto at kayo lang magkamag anak ang makikinabang sa kaban ng bayan.

pangalawa, karamihan empleyada ka o ang inyong magulang, kapatid, asawa ng isang congressman,  gobernor, mayor o kaya coucilor.

pangatlo, avid fan ka ng mga artista o crush mo yung “leader” mo kaya gusto mo mananatiling nakalukluk sa pwesto ang angkan niya

pang-apat, kamag anak ka ni mayor o ni congressman kaya proud ka sa mga accomplishment ng inyong lahi.

pang lima, hindi ka kamag anak o empleyado o hindi ka rin avid fan pero gusto mong naka pwesto ang pamilyang ito dahil nakikinabang ka sa kanila sa ibang bagay… hhhhmmmm

pang anim, hindi ka kamag anak o empleyado o hindi ka rin avid fan, pero sadyang tanga ka lang at nakikiuso sa mga friends mo.

pang pito, nogosyante ka, malake na ang puhunan mo sa pamilyang ito, inasawa nga ng anak mo yung isang anak niya.

pang walo, ayaw mong umasenso ang pilipinas

pang siyam, hindi ka naniniwala na madaming magagaling na lider ang alam mo lang yung pamilyang nakalukluk ang magaling at the best

at ika sampu, kampon ka ng demonyo at gusto mong mag hasik ng lagim.

Pustahan tayo…. hindi papasa sa senado ang Bill na ito…

baket? … ala e… huwag nyo nang itanong….

5 Comments

Filed under Politika ATBP, Top 10

Top 10 Qualifications to Win an Election

Malapit na ang eleksyon, kaya todo labasan na ng hidden bank accounts sa ibang bansa, mga condominium sa Amerika at iba pang mga pinakatagotagong kayamanan ng mga kandidato.

Ngunit so loob loob ka lang ang eleksyon sa ating bansa ay isang numbers game, ano ang “Numbers game”? wala sa galing at katapatan ng isang politiko ang basihan sa pagkapanalo at makapasok sa magic 12, kung hindi sa bilang ng tao boboto at kung papano ma-uto makuha ang boto ng taong bayan at dahil dito, heto ang kailang qualipikasyon ng politiko.

 

  1. Apelido ng sikat na pulitiko – “Dynasty?” kung gusto mong may chance kang manalo sa eleksyon, mapa barangay captain man yan o presidente, kailangan mo ng “Apelido ng isang politiko”, kailang mo pa ba ng halimbawa? Ok… Binay, Aquino laban sa isang Llasos at Falcone. Matatanong mo sino si Falcone at Llasos aba malay ko din.
  2. Artista – dapat artista ka, dating artista o artistahin ang pagmumukha, kasama na dito ang singer, bold star at model, ayaw ng pinoy ng pang janitor ang pagmumukha (no offense sa mga janitor) dapat pang bida o may itsura ang pagmumukha.
  3. Asawa ng Artista – o sige so di ka ganoon ka gwapo pero asawa mo naman ay isang artista, pwede na yan.
  4. Athleta – hindi na masyadong effective ngayon ang ganitong estilo lalu na ngayong dahil hindi na ganun ka sikat ang PBA.
  5. Brodcaster – malakas pa rin ang hatak ng isang broadcaster at isa pa nga dito naging bise presidente.
  6. Rebeldeng Sundalo – mahilig tayo sa drama sa buhay kaya humahanga ang pinoy sa mga rebeldeng anak at ipinaglalaban ang tama kaya nagkaroon tayo ng dalawang senador ng dahil sa pagiging rebeldeng sundalo.
  7. Aktibista – sa wakas din at napansin din ang mga leader na nagsisigaw sa daan para bumababa ang presyo ng bilihin at tumaas ang sahod ng pangkaraniwang manggagawa.
  8. Trapo – ewan ko ba bakit kung minsan nagtitipid tayong mga botante at nagtyatyaga tayo sa trapo.
  9. Magtayo ng sariling religion o Charismatic group – Amen? …. Amen!
  10.  Endorsement – mahilig tayong mag pa uto sa mga iniidolo nating mga atista, athleta o leader ng bayan
  11. Ngayon may bago na gimik – Party List – samahan daw ng mga tricycle driver sa pilipinas pero di naman marunong mag tricycle at dati pang anak ng presidente.

Parang isang brand lang yan ng isang bagong produkto kailang mo ng magandang pangalan, tamang packaging, gimik, celebrity endorsement, pasok ka na sa banga.

Ang hirap sa atin mga botante pinagtatawanan pa natin ang mga ordinaryong mamamayan na pilit binabago ang kaugaliang ito. Mas pipilian pa natin ang mga may kamag anak na politiko, mga sikat na artista, mga trapo, kaysa sa mga taong gustong tumulong magbago ang bayan at sasabihin pa natin sa kanila na “ay di mananalo yan”.

 

Ganyan siguro ang politika sa atin at nag rereplika sa kaugalian natin.

7 Comments

Filed under Politika ATBP, Top 10