Category Archives: Life as we know it

Si Aida, Lorna at Fe

Pagmamahal sa pamilya…

Lahat tayo mahal ang pamilya

Kaya nga iba tao naging OFW dahil mahal ang pamilya

Minsan gagawin ang lahat sa pamilya

Nakilala ko si Aida, si Lorna at si Fe…

Mahal nila pamilya nila

Gagawin ang lahat para lang mabigay ang pangangailangan nila

Tinutulungan ang mga kapatid, pamangking, ina at ama bukod pa sa anak at asawa

Hindi biro trabaho ni Aida, Lorna at Fe, gaya ng kanta sila rin ay litong lito

Basta ang alam nila di bale mahirapan basta may nagmamahal sa kanila at nasa ayos ang mga mahal nila sa buhay

Di baleng mapuyat mag lingkod basta matupad at makatapos ang pamangkin

Di baleng mapagalitan, takbuham, bugbugin, basta may mapadalang pera

Kung tutuusin madumi ang tingin ng ibang tao kay Aida, Lorna at Fe

Ngunit hindi alam ng karamihan kung gaano kabuting tao si Aida, Lorna at Fe

Hindi nila alam kung anong tyaga, hirap at pagtitiis ang ginagawa nila para sa mahal nila sa buhay

Sa panglabas ay napaka ganda ni Aida, Lorna at Fe

Sa panlabas mukha silang masaya…

Ngunit lahat ng kita nila nauuwi sa mga mahal sa buhay sa pinas…

Nasabi ko tuloy sa kanil… Aida, Lorna at Fe… mag tira ka naman sa sarili mo…

Sagot ni Aida, Lorna at Fe… aanhin mo pera kung wala naman nagmamahal sa iyo?

Tama nga naman…..

Siguro nga, pero dapat ding mahalin mo sarili mo paminsan minsan..

Mabuting tao para sa akin si Aida, Lorna at Fe… kahit sa ibang tao napaka dumi nila..

Siguro di lang nila nauunawan si Aida, Lorna at Fe….

Panalangin ko sana na sa susunod na pakikita ko kay Aida, Lorna at Fe… iba na trabaho nila… at masaya na sila….

 

 

Advertisements

Leave a comment

Filed under Life as we know it

Sino and sususnod…

Sino nga ba ang sususnod nating pangulo?

Siya ba ay lalake o babae?

Siya ba ay mabuting tao o mapangsamantala?

Siya ba ay edukado at mahusay sa paglilingkod?

Siya ba ay may 100% Pilipino?

Siya ba ay isang public servant at ang hangarin ay maglingkod da bayan?

Siya ba ay may karanansan sa pagpapatakbo sa isang naghihikamos na bansa?

Siya ba ay may plano sa pag unlad ng bayan?

Ngunit dapat bang yan ang itanong natin ?

Hindi kaya ang dapat nating tanungin ay..

Tayo ba ay boboto para sa kinabukasan ng ating mga anak at hindi pang tawid gutom lamang?

Tayo ba ay boboto sa ataong makikinabang tayo kahit ang kapalit ay ang pagnanakaw sa bayan?

Tayo ba ay boboto dahil susunod tayo sa may panalo o kung sino ang sikat sya ang boboto natin?

Tayo ay boboto dahil paborito natin artista ang tatakbo?

Tayo ba ay boboto dahil sinabi ng iyong ministro kung sino ang magbigay ng malaking halaga?

Tayo ba ay boboto dahil wala ka ng mapiling iba?

Tayo ba ay boboto dahil aasa tayo sa kanya kapag sya ang magiging pangulo?

Tayo ba ay boboto dahil gusto nating umunlad ang bayan natin?

Ang tanong ko sa inyo..

Ginawa mo ba ang inyong tungkulin at sumunod sa batas trapiko?

Nag bayad ka ba ng tamang buwis?

Nag sumbong ka ba sa mga kinauukulan sa mga maling pamamalakad sa inyong lugar?

Hindi ka ba nagbabayad ng padulas kapag nahuhuli ka ng MMDA trafic enforcer?

Hindi ka ba gumagamit ng padrino sa mga ahensya ng gobyerno.

Kung empleyado ka man ng gobyerno, kasama ka ba sa kurap na systema?

Mahirap umasa sa iba kapatid, dapat mag-uumpisa sa atin ang pagbabago, oo alam ko mahirap magutom o mamatay dahil alam natin halang ang mga kaluluwa nga mga sindikato sa gobyerno ngunit isipin na lang natin, ito ba ang pamamana mo sa mg anak at apo mo? Pagdating ng panahon ang mga apo sa apo natin ay sasabihin “ganyan na yan, noon pa sa mga Lolo natin, corrupt na sila”.

Sino nga ba ang susunod nating ipapahamak?

Leave a comment

Filed under Life as we know it, Politika ATBP

Protect the People or Just Power Trip?

Halos lahat siguro ngayon alam and issue tungkol kay Ramon Bautista at ang “Hipon” joke niya.

Tama bang bigyan ng “persona no grata” ang isang taong ginagawa ang trabaho niya?

Ok, nandun na ako, na offend ang ibang tao, insulto daw ito sa kababaihan, tama sila.

But to intimidate the person, dahil alam ng komedyante na baka mapahamak sya at piliting pinag-public apology is another story.

Pwersahan and tamang word dun, para lang noong sinapak ng isang Mayor ang isang Sheriff dahil ginagawa niya ang trabaho nya, at hindi man nakasuhan ang mayor. Ayos!

Lubhang kinatatakutannga ang pamilyang ito, kahit ako takot din sa kanila, pero  at pero…. may opinion ako, may opinion ka at may opinion ang ibang tao at kailangan malan nila na nag popower trip na sila.

And please take note:

Hindi lang sa Davao maraming hipon, sa Pampanga, sa Cebu, Lagun, Bicol… ang daming sea food sa mga lalawinggang ito…

 

Disclaimer:

Ang mga naka pahayag sa itaas ay tanging opinion lamang ng may lagda, maari ito ay tama or malaking mali, huwag mag aksaya ng panahon para magalit o sumagot sa post na ito.

 

 

Leave a comment

Filed under Life as we know it, Politika ATBP

Kumusta ka na katoto

Kmusta na katoto?

Kmusta na ang buhay ninyo?

Wari ako ay nagtatanong?

Kung kailan maging tama ang mali at maging mali ang tama?

Tama ba nag sugal? legal man o illegal

Kung nakakatulong ito sa walang trabaho?

Tama bang sumabay sa agos ng kurapsyon kung lahat ay ginawaga ito?

mali bang kumontra sa mali at ituwid ang tradisyun na mali?

siguro nagugulo kayo sa panulat ko,

pareho lang tayo dahil minsan ang mali nagiging tama at kung minsan ang tama nagiging mali…

o sa opinyon na lang natin yun?

sabi nga ng loala ko, kahit kailan hindi pwedeng maging tama ang mali at hindi pwedeng maging mali ang tama.

kaya tanong ko sa iyo katoto…

tama bang ikasal ang same sex?

tama bang magnaklas sa kaban ng bayan?

tama bang maglagay sa pulis?

tama bang umasa sa Lotto?

tama bang umibig sa same sex?

mali bang kwestunin ang simbahan?

mali bang ipaalala ang tamangmorlidad?

mali bang mawalan ng pagasa sa bayan natin?

mali bang ituwid ang baluktot?

mali bang magpahayag ng opinyon?

malalaman mo lang ang sagot sa buhay mo ngayon…

Kmusta ka na katoto?

2 Comments

Filed under Buhay UAE, Life as we know it, Politika ATBP

Maligayang Pasko at Masayang Bagong Taon

Maligayang Pasko at Masayang Bagong Taon sa lahat ng ka-blogs at readers (kung meron man)

Isang taon na ibat ibang kwento ng buhay ang nasaksihan natin sa Pinas man o sa ibang bansa.

Para sa isang OFW medyo malungkot ang season na ito, “Homesick” ang kalaban.

Salamat sa isang taong biyaya…

Sa susunod na post na lang po…

 

Leave a comment

Filed under Life as we know it

10 natutunan ko sa bagyong yolanda

Bilang isang tao, madami dami na akong naranasang kalamidad, may bagyo, lindol, umulan ng buhangin sa tanghaling tapat na may kasamang lindol, lahar, malaking baha sa bawat taon.

Oo naranasan ko na ang mga yun, pero di ko pa naranasan ang bagsik na gaya ni yolanda.

Sa aking obserbasyon eto ang mga natutunan ko sa bagyong ito.

  1. Hindi tayo handa sa ganitong bagyo, sanay na tayo sa kalamidad, pero 1st time natin natikman ang 200 to 250 km per hr na hangin.
  2. Storm serge – 1st time ko narinig ito sa balita, akala ko at ng karamihan ay high tide lang ito o isang flash flood, flash flood nga naman , kaya lang flash flood with steriods ika nga, o isang mabangis na flash flood at nakamamatay.
  3. Parang lahar disaster din ang dinaanan ng super typhoon, noong lumaragasa pa ang lahar sa pampanga, mabubura ang isang bayan at totally walang bahay at gobyerno, kalsada, puno, kuyente o kahit ano pa man dahil nasa ilam ito ng lahar, sa super bagyo, lahat naman nawalis.
  4. Matulungin pa rin ang tao, ibat ibang bansa ang nagbigay ng tulong sa Pilipinas, ito ay patunay na may pag-asa pa.
  5. Malakas parin ang pananampalataya ng pinoy, kahit umiiyak, may panahon pa ring mangarap at bumangon.
  6. Hindi parin mawawala ang kawatan., dadayo pa ang ibang kawatan para lamang mag loot ng gamit.
  7. Madaming bayani pa rin sa bayan ni Juan.
  8. Epal pa rin ang mga TRAPO
  9. May alam na ngayon tayo kung ano paghahanda sa isang super typhoon.
  10. Sira na ang political career ni Mar Roxas.

1 Comment

Filed under Life as we know it, Top 10

Naka piring parin

 

blindfold2

 

Naka piring parin ang mata ni Juan

 

Dahil hinid pa rin niya nakikita na magka maganak at magkapamilya na ang mga leader nila

 

Naka piring parin ang mata ni Juan

 

Dahil pinakikinggan pa rin nila si Kris

 

Naka piring parin ang mata ni Juan

 

Dahil may nabibili paring boto

 

Naka piring parin ang mata ni Juan

 

Dahil OFW parin si Juan

 

Naka piring parin ang mata ni Juan

 

Dahil madami pa rin nasisiyahan sa rape jokes

 

Naka piring parin ang mata ni Juan

 

Dahil laganap parin ang Jueteng

 

Naka piring parin ang mata ni Juan

 

Dahil akala nila ang jueteng ay tama

 

Naka piring parin ang mata ni Juan

 

Dahil tapon parin tayo ng tapon ng basura kahit saan

 

Naka piring parin ang mata ni Juan

 

Dahil mahilig parin tayo sa mga artistang politiko

 

Naka piring parin ang mata ni Juan

 

Dahil ayaw parin magbago ni Juan

 

Naka piring parin ang mata ni Juan

 

Dahil ayaw sumasama parin ako sa agos

 

 

2 Comments

Filed under Life as we know it