Daily Archives: July 3, 2017

Si Aida, Lorna at Fe

Pagmamahal sa pamilya…

Lahat tayo mahal ang pamilya

Kaya nga iba tao naging OFW dahil mahal ang pamilya

Minsan gagawin ang lahat sa pamilya

Nakilala ko si Aida, si Lorna at si Fe…

Mahal nila pamilya nila

Gagawin ang lahat para lang mabigay ang pangangailangan nila

Tinutulungan ang mga kapatid, pamangking, ina at ama bukod pa sa anak at asawa

Hindi biro trabaho ni Aida, Lorna at Fe, gaya ng kanta sila rin ay litong lito

Basta ang alam nila di bale mahirapan basta may nagmamahal sa kanila at nasa ayos ang mga mahal nila sa buhay

Di baleng mapuyat mag lingkod basta matupad at makatapos ang pamangkin

Di baleng mapagalitan, takbuham, bugbugin, basta may mapadalang pera

Kung tutuusin madumi ang tingin ng ibang tao kay Aida, Lorna at Fe

Ngunit hindi alam ng karamihan kung gaano kabuting tao si Aida, Lorna at Fe

Hindi nila alam kung anong tyaga, hirap at pagtitiis ang ginagawa nila para sa mahal nila sa buhay

Sa panglabas ay napaka ganda ni Aida, Lorna at Fe

Sa panlabas mukha silang masaya…

Ngunit lahat ng kita nila nauuwi sa mga mahal sa buhay sa pinas…

Nasabi ko tuloy sa kanil… Aida, Lorna at Fe… mag tira ka naman sa sarili mo…

Sagot ni Aida, Lorna at Fe… aanhin mo pera kung wala naman nagmamahal sa iyo?

Tama nga naman…..

Siguro nga, pero dapat ding mahalin mo sarili mo paminsan minsan..

Mabuting tao para sa akin si Aida, Lorna at Fe… kahit sa ibang tao napaka dumi nila..

Siguro di lang nila nauunawan si Aida, Lorna at Fe….

Panalangin ko sana na sa susunod na pakikita ko kay Aida, Lorna at Fe… iba na trabaho nila… at masaya na sila….

 

 

Advertisements

Leave a comment

Filed under Life as we know it