Monthly Archives: July 2017

Top 10 Ibat ibang klaseng OFW sa Dubai

Dahil mahigit 10 taon na ako ditto sa Dubai madami na ako nasalamuhang ibat ibang tao, kaya mag top 10 tayo ha.

 

  1. Mga OFW sa Sales, sila yung makikita mo sa Malls sa mga department stores man o sa mga fast food chains, rest at coffee shops, sila ang madalas kausap ng mga costumers, hindi reular ang mga oras, day off ay simpleng araw at madalas blonde ang buhok sa babae, may tattoo sa lalake.
  2. Mga OFW sa Office, eto ang mga secretary, designers, architect, accountant, admin/HR, Estimators, Coordinators , procesors sa insurance at iba pa nakaharap sa computer ng buong araw, mga maswerteng nilalang, trabaho karamihan ay 5 days a week at 2 days off biyernes at sabado.
  3. Mga OFW sa field, eto ang mga Engineers, Surveyor, Lifeguard, Divers, construction laborers, Site Foreman at iba pa na nakabilad sa araw sa buong mag hapon. Eto ang mga matitising nilalang, di uubra ang Glutattione at papaya soap sa kanila.
  4. Mga OFW sa Hospital at clinic, karamihan mga nurse ang mga ito, sila ang lagging napgtatanungan kung matagal pa ba si dok.
  5. Mga OFW na Wife or Husband visa, ito ang mga OFW naka sponsor sa mga kabiyak sa buhay, karamihan mapili sa work dahil alam nila na may residence visa na sila.
  6. Mga OFW sa Hotels, sila ang nasa hospitality industry, magaling sa PR ang mga ito, pala bati, pala smile at higit sa lahat mahilig gumimik.
  7. Mga OFW sa Oil and Gas, eto ang yamanin na OFW, malalaki ang sweldo at karamihan dalawa pamilya inuuwian.
  8. Mga OFW na illegal, takas, undocumented, bibihira na mga OFW ganito sa Dubai, pero may pa ilan ilan parin.
  9. Mga OFW sa escort services, eto yung exit ng exit every 3 months, sila ang mga bagong Magdalena ng lipunan na minsa naaabuso din.
  10. Mga OFW sa kabahayan, sila ang mga kasambahay, sila ang may mahirap na trabaho sa lahat ng OFW, ang haba ng oras sa trabaho, walang day off, kulang sa sweldo, tambak sa trabaho at kung minamalas ka pa .. magagahasa ka pa, pero mayroon din masusuwerteng kasam bahay at kasa nila amo nila mag tour sa Paris, Italy at America.
  11. At higit sa lahat and mga OFW na Visit Visa, halos lahat tayo dumaan dito, sila ang mga bagong salta, naghahanap ng trabaho para magbago ang buhay, kasama na ako doon, dati din akong visit visa at 5 beses akong nag exit sa Kish Island.

Nadagdaga ng isa pa ang nagging pahayag ko at madami pang ibat ibang OFW sa Dubai, pero ito na ang karamihan, sila ang bumubuo sa Dubai at buong UAE, sila ay ikaw, ako at tayo.

Advertisements

Leave a comment

Filed under All about blogging and bloggers

Si Aida, Lorna at Fe

Pagmamahal sa pamilya…

Lahat tayo mahal ang pamilya

Kaya nga iba tao naging OFW dahil mahal ang pamilya

Minsan gagawin ang lahat sa pamilya

Nakilala ko si Aida, si Lorna at si Fe…

Mahal nila pamilya nila

Gagawin ang lahat para lang mabigay ang pangangailangan nila

Tinutulungan ang mga kapatid, pamangking, ina at ama bukod pa sa anak at asawa

Hindi biro trabaho ni Aida, Lorna at Fe, gaya ng kanta sila rin ay litong lito

Basta ang alam nila di bale mahirapan basta may nagmamahal sa kanila at nasa ayos ang mga mahal nila sa buhay

Di baleng mapuyat mag lingkod basta matupad at makatapos ang pamangkin

Di baleng mapagalitan, takbuham, bugbugin, basta may mapadalang pera

Kung tutuusin madumi ang tingin ng ibang tao kay Aida, Lorna at Fe

Ngunit hindi alam ng karamihan kung gaano kabuting tao si Aida, Lorna at Fe

Hindi nila alam kung anong tyaga, hirap at pagtitiis ang ginagawa nila para sa mahal nila sa buhay

Sa panglabas ay napaka ganda ni Aida, Lorna at Fe

Sa panlabas mukha silang masaya…

Ngunit lahat ng kita nila nauuwi sa mga mahal sa buhay sa pinas…

Nasabi ko tuloy sa kanil… Aida, Lorna at Fe… mag tira ka naman sa sarili mo…

Sagot ni Aida, Lorna at Fe… aanhin mo pera kung wala naman nagmamahal sa iyo?

Tama nga naman…..

Siguro nga, pero dapat ding mahalin mo sarili mo paminsan minsan..

Mabuting tao para sa akin si Aida, Lorna at Fe… kahit sa ibang tao napaka dumi nila..

Siguro di lang nila nauunawan si Aida, Lorna at Fe….

Panalangin ko sana na sa susunod na pakikita ko kay Aida, Lorna at Fe… iba na trabaho nila… at masaya na sila….

 

 

Leave a comment

Filed under Life as we know it