Monthly Archives: March 2017

Top Ten Senti Mode

lo

Hello mga katoto…

As an OFW madalas tayo mag senti mode… \here are the top 10 senti mode ng isang OFW

Senti mode kapag..

  1. Senti mode ka kapag, Pasko at bagong taon… ito na pinaka malungkot na season sa taon
  2. Senti mode ka kapag, birthday mo or birthday ng mga mahal mo sa buhay.
  3. Senti mode ka kapag, Anibersaryo nyo ni Missis, GF/BF or Parents mo at wala ka sa pinas para greet sila.
  4. Senti mode ka kapag, summer na sa pinas, makikita mo sina insan at pamilya mo na nag outing.
  5. Senti mode ka kapag, Valentines na, lalu na kapag nasa pinas ang sweetie mo.
  6. Senti mode ka kapag, Mag isa ka lamang mag simba, kumain sa resto o mamasyal sa mall, mahirap yung kausap mo lang sarili mo.
  7. Senti mode ka kapag, may namatay sa pamilya mo at hindi ka maka uwi
  8. Senti mode ka kapag, wala ka ng pera at hinihintay mo susunod na sweldo.
  9. Senti mode ka kapag, nahihirapan ka sa trabaho at masungit ang boss mo
  10. Senti mode ka kapag, may nag babakasyon sa pinas at na-iingit ka….

 

Advertisements

Leave a comment

Filed under All about blogging and bloggers, Top 10

Ilang Taon Na?

Ilang taon na ako di nakaka-post sa blog ko?

Ilang taon na ba ako sa UAE?

Ilang taon na ba akong gumagastos?

Ilang taon na ba ako malayo sa mga magulang ko?

Ilang taon na ba akong malayo sa pamilya ko?

Ilang taon pa ba ako magiging malungkot?

Ilang taon pa ba akong nag susulat sa walang kwentang blog na ito?

Ilang taon na ba akong balak mag diet?

Ilang taon na ba akong gustong bumait?

Ilang taon pa ba nalalabi sa buhay ko?

Sa buhay natin… siguru bukod sa tanong sikapin natin mabuhay na sagot ang laman..

Masarap mag sulat sa blog na ito kapag wala akong magawa.

Matagal na ako sa UAE at madami masayang ala-ala

Kahit walang ipion, napasaya ko naman ang mga mahal ko sa buhay

Malayo man ako sa mga magulang ko, basta OK lang at masaya sila, masaya na ako

Malayo man ako sa asawa at anak ko.. basta alam ko na nabibigay ko ang kailangan nila..masaya na ako

January 27, 2011 ako unang nag sulat sa blog na ito, siguro may kwenta naman kahit papano

Papayat din ako at magiging macho…

Mabait naman ako… kapag tulog…

Ito na siguro di ko masagot… ilan nga ba? mabuti pa mabuhay ng masaya sa nalalabing araw, buwan, taon o siglo….

 

Aba.. akalain mo nakapagsulat kahit papano..

 

 

 

Leave a comment

Filed under All about blogging and bloggers