Sino and sususnod…

Sino nga ba ang sususnod nating pangulo?

Siya ba ay lalake o babae?

Siya ba ay mabuting tao o mapangsamantala?

Siya ba ay edukado at mahusay sa paglilingkod?

Siya ba ay may 100% Pilipino?

Siya ba ay isang public servant at ang hangarin ay maglingkod da bayan?

Siya ba ay may karanansan sa pagpapatakbo sa isang naghihikamos na bansa?

Siya ba ay may plano sa pag unlad ng bayan?

Ngunit dapat bang yan ang itanong natin ?

Hindi kaya ang dapat nating tanungin ay..

Tayo ba ay boboto para sa kinabukasan ng ating mga anak at hindi pang tawid gutom lamang?

Tayo ba ay boboto sa ataong makikinabang tayo kahit ang kapalit ay ang pagnanakaw sa bayan?

Tayo ba ay boboto dahil susunod tayo sa may panalo o kung sino ang sikat sya ang boboto natin?

Tayo ay boboto dahil paborito natin artista ang tatakbo?

Tayo ba ay boboto dahil sinabi ng iyong ministro kung sino ang magbigay ng malaking halaga?

Tayo ba ay boboto dahil wala ka ng mapiling iba?

Tayo ba ay boboto dahil aasa tayo sa kanya kapag sya ang magiging pangulo?

Tayo ba ay boboto dahil gusto nating umunlad ang bayan natin?

Ang tanong ko sa inyo..

Ginawa mo ba ang inyong tungkulin at sumunod sa batas trapiko?

Nag bayad ka ba ng tamang buwis?

Nag sumbong ka ba sa mga kinauukulan sa mga maling pamamalakad sa inyong lugar?

Hindi ka ba nagbabayad ng padulas kapag nahuhuli ka ng MMDA trafic enforcer?

Hindi ka ba gumagamit ng padrino sa mga ahensya ng gobyerno.

Kung empleyado ka man ng gobyerno, kasama ka ba sa kurap na systema?

Mahirap umasa sa iba kapatid, dapat mag-uumpisa sa atin ang pagbabago, oo alam ko mahirap magutom o mamatay dahil alam natin halang ang mga kaluluwa nga mga sindikato sa gobyerno ngunit isipin na lang natin, ito ba ang pamamana mo sa mg anak at apo mo? Pagdating ng panahon ang mga apo sa apo natin ay sasabihin “ganyan na yan, noon pa sa mga Lolo natin, corrupt na sila”.

Sino nga ba ang susunod nating ipapahamak?

Leave a comment

Filed under Life as we know it, Politika ATBP

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s