An open Letter to the Bureau of Customs

download16

Dear Sir,

 

Pasensya na po kung nakaka-istorbo ako at sana mapansin nyo ang aking munting sulat.

 

Gaya ng iba, ako ay isang ordinaryong OFW at nakikisapalaran sa ibang bansa para sa pamilya.

 

Alam nyo na ang pakay ko sa sulat na ito, obious naman sa panahon na ito, Balik Bayan Box lang naman ang ikinagulantang ng mga kapwa ko OFW.

 

Bagamat alam naming na ginagawa nyo trabaho nyo at alam din naming na mahirap labanan ang mga malalaking smuggler syndicate sa bansa, alam namain na ikamamatay nyo kung lalabanan nyo ang mga hayup na sindikatong ito, takot din kayo sa mga criminal na ito.

 

Naiintindihan din naming na madami kayong bibig na palalamunin, ilan kabit meron ba si pareng Joey o si brother Jun?

 

Naiintindihan namin na dapat kayong makisama at hindi kayo KJ, baka ma OP ka pa kapag hindi ka rin nangurakot.

 

Naiintindihan din namin na kailangan ng anak nyo ng Iphone, Ipad, TAG Huer na relo at Colehan na sapatos, Fred Perry na Polo Shirt, Levis na jeans at Jordan na Shoes, bilang isang ama naiintindihan ko ang sitwasyon nyo, gusto nyo ibigay ang luho na hindi nyo nakagisnan.

 

Naiintindihan din naming na kailangan nyo bulimi nga mamahalin kotse, sa haba ng trapik sa Manila, kailangan nyo ng magandang kotse para malamig ang aircon at hayop ang sound system, sa mga PORSHE at MERCEDES nyo lang naman mararanasan ito, kaya carry naming yon.

 

Naiintindihan din naman naming na kailangan nyo ng 2 o 3 pamilya, malungkot nga naman ang isang pamilya lang, tao lang tayo at nagmamahal at natutukso din.

 

Naiintindihan din naman naming na paminsan minsan kailangan nyo mag party, kahit sa Resorts World man lang e makapag party kayo ng mga BFF nyo, we understand.

 

 

Naiintindihan namin na kailangan nyo rin mag bisyo, sugal at alak, sa hirap ba naman ng trabaho nyo, isipin nyo lang paglilingkod sa bayan ang ginagawa nyo, ilang balik bayan box ang kailangan nyong e check randomly.

 

Naiintindihan din naman naming kung minsan mag babakasyon kayo sa Europa, Hong Kong o Boracay, may karapatan naman kayong magpahinga kahit sa pera ng bayan ang ginagamit nyo naiintindihan naming yun, dahil ang mahal kaya ng Hotel at flight booking.

 

Naiintindihan din naman namin na iisipin nyo ang kinabukasan ng inyong mga anak, kaya nga nagpupundar kayo ng mga negosyo, farm at mga bagong bahay.

 

Kung tutu-usin isa din kayo sa mga bagong bayani ng ating bansa, kayo ang taga bantay sa mga bawal na kontrabando nakakalutsot sa ating bansa.

 

Kaya mga kapatid sa  Bureau of Customs, MABUHAY KAYO!

 

Alam namin na tapat kayo sa trabaho nyo.

 

Sana darating ang panahon at magkapalit tayo ng pwesto, kayo naman ang OFW at kami naman ang taga Custom.

 

 

 

 

Ang inyong tagahanga,

 

Kritikong Kiko

Leave a comment

Filed under All about blogging and bloggers

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s