10 natutunan ko sa bagyong yolanda

Bilang isang tao, madami dami na akong naranasang kalamidad, may bagyo, lindol, umulan ng buhangin sa tanghaling tapat na may kasamang lindol, lahar, malaking baha sa bawat taon.

Oo naranasan ko na ang mga yun, pero di ko pa naranasan ang bagsik na gaya ni yolanda.

Sa aking obserbasyon eto ang mga natutunan ko sa bagyong ito.

  1. Hindi tayo handa sa ganitong bagyo, sanay na tayo sa kalamidad, pero 1st time natin natikman ang 200 to 250 km per hr na hangin.
  2. Storm serge – 1st time ko narinig ito sa balita, akala ko at ng karamihan ay high tide lang ito o isang flash flood, flash flood nga naman , kaya lang flash flood with steriods ika nga, o isang mabangis na flash flood at nakamamatay.
  3. Parang lahar disaster din ang dinaanan ng super typhoon, noong lumaragasa pa ang lahar sa pampanga, mabubura ang isang bayan at totally walang bahay at gobyerno, kalsada, puno, kuyente o kahit ano pa man dahil nasa ilam ito ng lahar, sa super bagyo, lahat naman nawalis.
  4. Matulungin pa rin ang tao, ibat ibang bansa ang nagbigay ng tulong sa Pilipinas, ito ay patunay na may pag-asa pa.
  5. Malakas parin ang pananampalataya ng pinoy, kahit umiiyak, may panahon pa ring mangarap at bumangon.
  6. Hindi parin mawawala ang kawatan., dadayo pa ang ibang kawatan para lamang mag loot ng gamit.
  7. Madaming bayani pa rin sa bayan ni Juan.
  8. Epal pa rin ang mga TRAPO
  9. May alam na ngayon tayo kung ano paghahanda sa isang super typhoon.
  10. Sira na ang political career ni Mar Roxas.

1 Comment

Filed under Life as we know it, Top 10

One response to “10 natutunan ko sa bagyong yolanda

  1. sphereq

    Sira na ang karir ni Mar Roxas, ngiting ngiti na si Binay hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s