Walang tigil ang ulan

Walang tigil ang ulan, mga senador at congressman naghihitay sa buhos ng ulan,

 

Ilang ulit nang umulan, Fertilizer storm, ZTE low pressure, Napoles thunder storms.

 

Baha na sa buong Pilipinas, sa lugar na may jueteng, sa bilibid, sa BIR at sa Customs.

 

Ngunit di pa rin tayo nadadala, mas gugustuhin pa nating pagusap ang my husband’s lover, the voice o kaya ang paghihiwalay ng mga artista.

 

Pinipilit nating mag payong sa ulan,  lumusong sa baha, hindi tayo naniniwala na kaya pala ng panday na maging kontra bida.

 

Alam naman nating may ulan may baha pero tanggap na natin ito na bahagi ng buhay, hanggang kalian kaya natin malalaman na ang sobrang ulan at baha ay di makakatulong sa ating kinabukasan.

 

Hindi ba natin alam na sa tubig naghahanap ng pagkain ang mga buwaya?

 

Ilang mahihirap pa ba ang maghihintay ng rescue dahil sa mga bahang ito?

 

Sa totoo lang hindi ko rin alam ang gagawin ko sa baha.

 

Reklamo tayo ng reklamo sa baha ngunit di naman natin ginagawang tama ang mali, hindi pa rin natin tinatapon ang mga basura sa tamang kinalalagyan.

 

Konting kasinungalian lamang, itinangi lamang ng mga akusado na hindi sila ang may kagagawan ng baha at naniniwala tayong agad.

 

Magulo man ang aking akda alam kong alam mo ibig kong sabihin.

 

Ang tangin alam ko lang kapag pumapatak na ang ulam tumitigil ang mundo at bumabaha.

3 Comments

Filed under Politika ATBP

3 responses to “Walang tigil ang ulan

  1. “Hindi ba natin alam na sa tubig naghahanap ng pagkain ang mga buwaya”

    favorite line ko to. Sapul ang dapat tamaan!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s