Top 10 Qualifications to Win an Election

Malapit na ang eleksyon, kaya todo labasan na ng hidden bank accounts sa ibang bansa, mga condominium sa Amerika at iba pang mga pinakatagotagong kayamanan ng mga kandidato.

Ngunit so loob loob ka lang ang eleksyon sa ating bansa ay isang numbers game, ano ang “Numbers game”? wala sa galing at katapatan ng isang politiko ang basihan sa pagkapanalo at makapasok sa magic 12, kung hindi sa bilang ng tao boboto at kung papano ma-uto makuha ang boto ng taong bayan at dahil dito, heto ang kailang qualipikasyon ng politiko.

 

  1. Apelido ng sikat na pulitiko – “Dynasty?” kung gusto mong may chance kang manalo sa eleksyon, mapa barangay captain man yan o presidente, kailangan mo ng “Apelido ng isang politiko”, kailang mo pa ba ng halimbawa? Ok… Binay, Aquino laban sa isang Llasos at Falcone. Matatanong mo sino si Falcone at Llasos aba malay ko din.
  2. Artista – dapat artista ka, dating artista o artistahin ang pagmumukha, kasama na dito ang singer, bold star at model, ayaw ng pinoy ng pang janitor ang pagmumukha (no offense sa mga janitor) dapat pang bida o may itsura ang pagmumukha.
  3. Asawa ng Artista – o sige so di ka ganoon ka gwapo pero asawa mo naman ay isang artista, pwede na yan.
  4. Athleta – hindi na masyadong effective ngayon ang ganitong estilo lalu na ngayong dahil hindi na ganun ka sikat ang PBA.
  5. Brodcaster – malakas pa rin ang hatak ng isang broadcaster at isa pa nga dito naging bise presidente.
  6. Rebeldeng Sundalo – mahilig tayo sa drama sa buhay kaya humahanga ang pinoy sa mga rebeldeng anak at ipinaglalaban ang tama kaya nagkaroon tayo ng dalawang senador ng dahil sa pagiging rebeldeng sundalo.
  7. Aktibista – sa wakas din at napansin din ang mga leader na nagsisigaw sa daan para bumababa ang presyo ng bilihin at tumaas ang sahod ng pangkaraniwang manggagawa.
  8. Trapo – ewan ko ba bakit kung minsan nagtitipid tayong mga botante at nagtyatyaga tayo sa trapo.
  9. Magtayo ng sariling religion o Charismatic group – Amen? …. Amen!
  10.  Endorsement – mahilig tayong mag pa uto sa mga iniidolo nating mga atista, athleta o leader ng bayan
  11. Ngayon may bago na gimik – Party List – samahan daw ng mga tricycle driver sa pilipinas pero di naman marunong mag tricycle at dati pang anak ng presidente.

Parang isang brand lang yan ng isang bagong produkto kailang mo ng magandang pangalan, tamang packaging, gimik, celebrity endorsement, pasok ka na sa banga.

Ang hirap sa atin mga botante pinagtatawanan pa natin ang mga ordinaryong mamamayan na pilit binabago ang kaugaliang ito. Mas pipilian pa natin ang mga may kamag anak na politiko, mga sikat na artista, mga trapo, kaysa sa mga taong gustong tumulong magbago ang bayan at sasabihin pa natin sa kanila na “ay di mananalo yan”.

 

Ganyan siguro ang politika sa atin at nag rereplika sa kaugalian natin.

7 Comments

Filed under Politika ATBP, Top 10

7 responses to “Top 10 Qualifications to Win an Election

  1. hello, kiko… tatlo yata ang rebeldeng sundalo. ang una ay si lolo Johnny who upped and went against lolo Ferdie sa EDSA I. pinremyuhan ng mga botante ang paglaban nya sa kanyang former boss, hehe, by electing him to the Senate.

    well, i had the chance to first meet him more than 20 years ago. medyo magnetic talaga ang kanyang personality. masi-sense mong decisive sya. thing is, running for the Senate now si anak who is a pale reflection of the father, am afraid… worse, mukhang mai-elect, sus.😉

  2. Pagkatapos ng eleksyon, ang senado ay isa nang…

    Boom! (sana namatay ang lahat ng nasa loob)

    Ahaha! Ang pait!

  3. maging responsableng botante.🙂

    I hate political dynasty. Naiinis nga ako dun sa mga tarp na may picture na muka ng kandidato tapos sa likod yung picture nung tatay. MAsyado silang nagtatago sa anino ng kanilang mga magulang. Patunayan din ang sarili pag may time🙂

  4. Reblogged this on kritikong kiko and commented:

    Election na naman kaya re-post ako…

  5. Parang United Nations lang yan sa school. Paramihan ng mabebentang ticket.😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s