Semana Santa

 

Halos sampung taon na akong hindi nakakapag holy week sa atin dahil may pasok pa ang mga bata sa eskwelehan dito sa UAE kaya walang magawa kung hinid manood ng balita sa 24 oras para kahit papaano madama ang semana santa sa Arabong bansa.

Kapag ganitong panahon na wala akong magagawa kung hinid mag balik tanaw sa mga nakaraang Semana Santa.

Ang mga Gawain kapag araw ng kwaresma.

  1. Gumawa ng palaspas, naalala ku pa ate Charo….. noong kabataan pa kami, hanap kami ng dahon ng buko para gawing palaspas, ang sikat na espadang palaspas ang una kong natutunan, pagkatapos nun ay ang duron kung tawagin namin.
  1. Magsimba sa Lingo ng Palaspas at magpabendisyon ng palaspas. Pang taboy daw ang palaspas ng masamang espirito at malas kaya nasa tabing bintana namin o sa itaas ng pinuan.
  1. Mag organisa ng pabasa, noong kabataan ko pa kaming mga magigiting na binata at magagandang dilag at magbubuo ng mga opisyal para maningil sa mga kapit bahay para may kongting pera panggastos sa isang pabasa, kailang mo kasing bumili ng pang miryenda ng mga usisero, hapunan ng mga nagbabasa at mga juice, butong pakwan, candi at yelo.
  1. Syempre kung may pabasa kame, dadalaw din kame sa ibang pabasa, may kanya kanyang istilo bawat balwarte sa paghahanda sa bapasa, sa isang baranggay Magnolia Ice Cream ang pinapamiryenda nila dahil may kaya ang mga tao sa lugar na yun, sa ibang baranggay naman at sotanghon na may sabaw at sandwich, ikaw na lang ang susuko sa pagkain.
  1. Visita Iglesia, masaya mag Visita Iglesia kapag samsama kayong magbabarkada, lalung lalu na kung nandoon ang crush mo. Pagkatapos makumpleto ang pagbisita sa pitong simbahan ay mag wiwish ka sabay diretso na sa Pabasa para makikain.
  1. Pursisyon, namiss ko ito, lalung lalu na noong kabataan ko na pasulyap sulyap kami sa mga nagagandahang dilag.
  1. Bendesyon ng Tubig at apoy, ginagawa ito tuwing black Saturday, dito binebendisyong ang mga kandelaria at holy water.
  2. Salubong, madaling araw kung ito ay gagawin, ito ay araw ng Lingo ng pagka buhay, very solem ang tagpong ito, aabangan mo ang munting anghel na bababa sa isang scafolding para kunin ang belo ni inang Maria.
  1. Pag Sabog ni Hudas, sa Pampanga tradisyon noon sa amin na mayroong effigy  or isang papel na manika na kamukha ni Hudas Eskaryote, dumidila pa ito at umiikot ang ulo, pagkatapos ng misa sa Lingo ng pagka buhay, aabangan ng mga tao ang pag putok ni hudas, unti unting puputok ito hangang sumabog ang ulo ng malakas na putok, hudyat na yo para sa banda para mag patugtog ng masayang tugtugin.
  1. Fiesta ni Sto Thomas, sa lugar naming ang Lingo ng pagkabuhay at fiesta rin sa Santo Thomas at sigurado may pupuntahan kaming kaibigan at para maki tanghalian.

1 Comment

Filed under Life as we know it

One response to “Semana Santa

  1. meron din pabasa sa amin. sadly, parang paubos na sa panahon ngayon ang nakaka-relate sa gawaing ito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s