Sampung ligaya ng isang OFW

Ano ba ang ligaya? O happiness sa salitang ingles, eto ba ay isang pangyayari o estado sa buhay? Bilang isang OFW malaking bahagi ang emosyon sa buhay namin at isa na dito ang “ligaya”, naalala ko tuloy ang pelikulang “Ligaya ang itawag mo sa akin” pero walang koneksyon ito sa aking pahayag. Dahil dito nais kong kumpunihin ang sampung ligaya ng isang OFW.

Galing sa Anthony Robbins blog

Galing sa Anthony Robbins blog

  1. Ligaya dahil may trabaho, hindi porke OFW ay stable na trabaho, dahil sa Global Crisis may dahilan ang mga dayuhang employer na magsara ng kumpanya, nadanasan ito ng maraming OFW sa buong mundo, kaya ang mga naiwan ay maligaya at may trabaho pa sila.

 

  1. Ligaya dahil sahod nanaman, ito ang pinaka punot dulo kung bakit may OFW, maliit man o malaki and sahod, dadaan man lang ito ng panandalian sa palad mo at dapat mo nang barayan ang bed space mo at halos padala mo ng lahat sa pamilya ang sahod mo, maligaya ka parin.

 

  1. Ligaya dahil pwede ka ng mangarap at pwede ng mangarap ang pamilya mo. Makakapag aral na sa kolehiyo ang anak at makakapagtayo ka na ng bahay, pwede nang maging spepping stone ito para makapag migrate ka na sa Canada or Australia.

 

  1. Ligaya dahil kahit papano pwede mo ng bilhin ang gusto mo sa konting ipon lang at tiyaga, ang inaasam mong smart phone, ang high resolusyong DSLR camera, ang LED TV at Laptop

 

  1. Ligaya dahil sa natitikman mo ang ibat ibang pagkain at makakain mo halos lahat ng gusto mong kainin. Mapa ubas man yan o mansanas, steak o kambing, hipon o lobster, kape sa starbuck o sa Tim Horton.

 

  1. Ligaya dahil nararanas mo ang ibang kultura ng ibang lahi, sabihin na nating hindi tunay nating kultura ang Thanksgiving o kaya ang Ed Al Fitir , pero nakiki celebrate din tayo at masaya sa long weekend.

 

  1. Ligaya dahil kapiling mo ang pamilya mo, hindi lahat ng OFW nararanas ito, mapalad daw ang kasama ang pamilya sa ibang bansa, malaki din ang gastos, ngunit bale wala ito sa ligaya nadadama mo at halos hindi mo na mararanasan ang homesickness.

 

  1. Ligaya dahil sa mga tunay na kaibigan, nabanggit kong “tunay” dahil madami rin sa ating kabayan ang may ibang adyenda, ngunit karamihan naman sa kabayan natin ay mababait at tunay na kaibigan, sa pagkakaibigan pinupuno ang kawalan ng ibang parte ng pamilya.

 

  1. Ligaya sa piling ng iba, medyo “kontrobesyal” ang “Ligayang” ito dahil ito ay isang kamalian at pagtataksil, ito ay panandaliang ligaya lamang kung tutuusin at hindi dapat ipahayag, ngunit ito ay tutoong nararanasan ng OFW. Aking inuulit, ito ay hindi tama at isang malaking pagkakamali.

 

  1. Ligaya sa pag-uwi ng pinas, mapapansin mo at aminin mo man o hindi, gustong gusto mo ang atensyon na nakukuha mo dahil isa kang balik bayan. Madaming kaibigan ang matagal ng di nagpapakita at  ngayon ay BFF mo na. Madaming kamag anak na di naman kayo close pero ngayon at close relative mo na. Maligaya ka dahil sa iba na ang tingin ng kapit bahay mo sa iyo, nirerespeto ka na at ginagalang.

Paunawa: maaring nadanas o hindi nadanas ng tagapagsulat ang mga nahayag at ito ay sariling pagmamasid lamang.

7 Comments

Filed under Buhay UAE, Top 10

7 responses to “Sampung ligaya ng isang OFW

  1. “maaring nadanas o hindi nadanas ng tagapagsulat ang mga nahayag at ito ay sariling pagmamasid lamang.” –😉🙂 hello po!

  2. Ang sahod na dumadaan lang sa palad.🙂

  3. Ah, napaka-positibong post nito. Karaniwang kuwentong ng kalungkutan ang nababasa ko tungkol sa mga OFW. Ngunit nakangiti akong nagbasa nito, because this was written on a positive note😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s