Top 10 paboritong handa sa pasko

Noong bata pa ako, naalala ko palagi ang mga luto ni nanay tuwing pasko, hindi naman kami mayaman o de Buena pamilya pero kahit papano nakakapaghanda tuwing pasko.

Eto ang ika 100 post ko sa blog na ito at ako ay nasisiyahan na handog sa inyo ang top 10 kong paboritong handa tuwing pasko.

  1. Spaghetti – halos lahat ng pinoy may spaghetti sa mesa ngayong pasko, hindi naman ito isang pinoy food pero na adapt na natin ang pinoy style na spaghetti na manamisnamin may kasama pang hotdog at mushrooms.

Spaghetti-prepared

  1. Hamon –  oo alam ko medyo may kamahalan ang hamon, pero noong kabataan ko, ang inyong lingkod ang gumagawa ng hamon.

hamon

  1. Pork or Chicken Barbeque – syempre di mawawala ang masarap na BBQ, lalu na kung may mainit kang kanin at coke.

Pork barbeque

  1. Keso de bola – noong bata pa ako medyo may kamahalan ang keso de bola, pero ngayon may abot kayang presyo na. Masarap ito sa hot pandesal at kape.

keso debola

  1. Calios – ang calios sa amin ay ang tuwalya ng baka na linuto sa tomato sauce may kasamang green peas and chick peas at bell pepper, super sarap nito kaya lang bawal sa may arthritis.

Callos

  1. Fruit salad – hindi ko mapapalampas ang pasko na hinid ako makakain ng fruit salad kung hindi magugunawa ang mundo.

food fruit salad

  1.  Halayang Ube – mahirap hanapin ang tamang timpla ng isang masarap na halayang ube dito sa UAE, kung gusto mo ng tamang timpla, ikaw na mismo ang gagawa. Isa sa mga talagang na-mimiss kong pagkain ang original na halayang ube.

halaya

  1. Macaroni Salad – pang miryenda sa pasko

macaroni salad

  1. Kalamay – pwedeng gawa ito sa malagkit at mungo, karamihan ang gumagawa nito ang kapit bahay naming na may 6 na oras ginagawa.

kalamay

  1. Lechong manok – kung sa amerika ay may “Turkey” tuwing Thanks Giving,  tayong mga pinoy may letchong manok.

3158028798_ccd309c52c

MALIGAYANG PASKO MGA KATOTO!

9 Comments

Filed under Life as we know it, Top 10

9 responses to “Top 10 paboritong handa sa pasko

  1. walang duda . Eto nga ang top 10. hahaha

    Merry christmas..

    Hindi ako masyadong pamiyar dun sa calios.

  2. powtek! kailangan larger than life ang pictures, gano’n? pambihira… oy, masarap ang callos. yon lang, hindi madalas lutuin sa amin yaan, sayang… btw, alam ko na ba’t ka mabilog – di ka umaalis sa tabi ng mesa pag pasko, hehehe. Merry Christmas pa rin, Kiko…🙂

  3. pag pasko dun ako natutulog sa mesa namin para 24 oras lamon lol

  4. Sarap naman nyan! Merry Christmas and Prosperous New Year to you and your Family!

  5. Manigong Bagong Taon sa iyo, Kiko… at saiyong pamilya… salamat sa dalaw at sa comments. hooist, mag-New Year post ka, kapatid… warm regards! malamig dyan?😉

  6. Halla! nagutom ako sa mga larawan. Ansasarap. Haha. Tumpak! Yan talaga ang mga kadalasang handa kapag Pasko at New Year. Merry Christmas and Happy New Year!

  7. spaghetti – basta may okasyon at may bata ito ang number 1. kakagutom.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s