Top 10 namimis ko sa pinas tuwing pasko

Kmusta mga katoto, pasko na naman po at parang kalian lang nag post ako ng top 10 na regalo sa pasko.

 

Ngayon naman naisipan kong ipunin ang top 10 namimiss ko sa pinas tuwing sasapit ang pasko.

 

  1. Simbang gabi – noong bata pa ako at binata, hindi mawawala ang simbang gabi sa pook namin, lalung lalu na noong nagbibinata na ako at masayang magsimba kasama ang crush mo o ang barkada, nakukumpleto ko ang simbang gabi noon binata pa ako di gaya ngayon mahirap makumpleto ang simbang gabi sa UAE.

 

  1. Pagkain pagkatos ng simbang gabi- o ano pa nga ba, tayong mga pinoy ay mahilig kumain, puto bung-bong man yan o bibingka o hot pandesal at kape.

 

  1. Ang dalang lamig sa pasko – kahit dito sa UAE masarap ang klima tuwing Disyembre, tulad din sa atin malamig, lalu na kapag may kayakap ka sa lamig….

 

  1. Christmas Parties – syempre hindi mawawala ang Christmas Party sa ating mga pinoy na may kasamang parlor games (hindi ko alam kung bakit tinawag na parlor games e wala naman tayo sa parlor)

 

  1. Noche Buena – kahit ano man ang handa sa Noche Buena, siguradong masaya ito dahil kasama ang buong pamilya.

 

  1. Regalo at Aguinaldo– di lang yung tinatanggap mo ang masaya dun kungdi yung pagbibigay ng regalo sa kapwa, masarap din ang feeling.

 

  1. 13th Month pay o Christmas Bonus – ito ang isa sa mga namimis ko na wala sa UAE, di uso dito yun.

 

  1. Christmas Decorations – sa amin may giant lantern festival sa Pampanga, mamamangha ka sa ganda at galing ng mga higanteng parol at synchronize pa  ito sa musika.

 

  1. Carolling and Christmas Songs– tuwang tuwa ako sa mga nag kakaroling lalu na yung mga chikiting na ang kukulit.

 

  1.  Bagong damit – ewan ko ba kahit ngayon kapag mag papasko dapat may bagong damit ako at ang pamilya ko, siguro naging tradisyon na namin yun kaya hangang ngayon ganun parin ang ginagawa naming. Nakakabili naman ako ng bagong damit dito sa UAE pero iba ang feeling ng pagbibili ka ng damit sa atin parang ang saya-saya.

 

Ngunit ang talagang namimis ko sa pinas tuwing pasko ay ang kasama ang mga mahal ko sa buhay, mabuti na lang kasama ko na ang pamilya ko dito, kaya lang wala si mudrax at pudrax mga pamangkin at kapatid, hipag at bayaw, mabuti na lang may friends.

 

Halos lahat naman nagagawa ko dito sa UAE tuwing pasko maliban nga lang sa 13th month pay at pag-caroling. Pero iba parin ang mag pasko sa atin, at dito pala sa UAE hindi holiday ang pasko.

6 Comments

Filed under Life as we know it, Top 10

6 responses to “Top 10 namimis ko sa pinas tuwing pasko

  1. “kaya lang wala si mudrax at pudrax” – yon lang…🙂 teka, kiko, sino na lang ang nagsasabing pakabait ka pag ganitong season – si misis mo? tawag ka kay mama mo para may magre-remind errr, magse-sermon sa ‘yong maging good boy ka, maski ngayong pasko lang, ahihi. cheers!😉

  2. iba talaga ang pasko sa pinas.

    Pero tama ka wla ng mas sasarap pa sa piling ng mga mahal mo sa buhay sa araw ng kapaskuhan🙂

    Merry Christmas.

  3. belated advance merry Christmas. lol.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s