Top 10 Holidays in the UAE

 

Siyam na taon na ako sa bansa ng mga Emirato at nakasanayan ko na ang buhay dito at ang halu halong kultura, ugale ng mga tao,

 

Walang fiesta dito o mahal na araw, wala ding undas dito at ibang Panginoon ang pinagdiriwang nila kaya kung minsan namimis mo ang mga holidays ng pinas.

 

Matatapos na naman ang taon at paubos na ang holidays sa UAE, naisipan kong ilathala ang mga opisyal at di opisyal na holidays sa bansa ng mga Emirato.

 

  1. New year’s Day (01 Jan) – noon akala ko hindi nagdiriwang ng bagong taon ang mga arabo, nag diriwang din pala sila kaya lang walang putukan, actually bawal magpaputok sa labas (sa loob lang ng silid .. lol) sigurado hindi pahuhuli ang mga OFW, magluluto ito ng spaghetti o pancit, may kasamang fried chiken at inumin at karaoke, magpupuyat ang mga ito at magpaparty sa kanilang villa o flat at hihintayin ang countdown. Malakas magpa homesick ang panahon na ito.

 

  1. Milad un Nabi (Birth of the Prophet Muhammad) (24 Jan) – isang araw na walang pasok, wala lang ito sa mga OFW, malamang matutulog ng maghapon at maglalaba lang sa panahong ito, kung natapat ng Huwebes o kaya Linggo ang okasyon, ibang usapan na ito, long weekend ika nga at may pupunta ng Fujehra, o Al Ain.

 

  1. Lailat al Miraj (Night of Ascension) (04 June) – Tulad ng pangalawa walang meaning sa ating mga OFW ang okasyon ito. Hindi permanente ang petsa ng okasyong ito depende ito sa buwan at sa cycle ng panahon, paano ito ginagawa… ewan ko.

 

  1. Eid al-Fitr (End of Ramadan) (7 August) – ito ang umpisa ng Ramadan ang isang buwan ng pag Sakripisyo ng mga kapatid nating Muslim,  tulad ng Night of Ascension, wala ding petsa ang holiday na ito, noong bago pa lang ako sa UAE ang umpisa ng Ramadan ay September ngayon nasa July na. Ito na ang umpisa ng maiksing working hours, 6 hours straight ang trabaho. Mahaba ang holiday na ito, umaabot ng dalawa hanggang tatlong araw ang walang pasok, depende yan sa kumpanya at sa trabaho.

 

  1.  Eid al-Adha (Feast of Sacrifice) (14 Oct) – tulad ng Eid Al-Fitr, wala ding permanenteng petsa ang okasyon na ito, at tulad ng karaniwang pinoy kapag natapat ito sa biyernes o lingo, long weekend na naman at inuman, party at karaoke session na naman.

 

  1.  Al-Hijra (Islamic New Year) (4 Nov) – Wala lang tulad ng Eid al-Adha, ganun din ang gagawin ng isang OFW.

 

  1. National Day (02 Dec) – di tulad ng ibang holidays permanente ang petsa nito, sa darating na 02 Dec 2012 araw ito ng lingo kaya long weekend nanaman, ano pa e di inuman, party with friends o kaya long drive sa Um Al Quin or Al Ain, o kaya punta sa Al Safa Park.

 

  1. Christmas (25 Dec) – sa tutoo lang hindo opisyal na holiday ang pasko dito, pero dahil madami na ang Christians ang ibang kumpanya ay pinapayagan ang mga Kristiano  na mag special leave . Dito mo talaga mamimis ang pinas, homesick to the max ang aabutin mo kung pusong mamon ka.

 

  1. Annual Leave or Every two years – eto na ang pinaka masayang holiday sa buong taon (kung minsan tuwing ikalawang taon) isang buwan ang walang pasok na may sahod. Uuwi ka sa pinas at yakapin  ang mga mahal sa buhay.

 

  1. Wala na! – ganyan lang kaikli at kakonti ang mga selebrasyon dito sa UAE.

 

Bagamat wala mang 10 holidays ang nasabing bansa, mahigit naman sampung araw ang bakasyon dahil sa annual leave at Eid holidays.

Namimis ko tuloy ang Undas, Pasko, Mahal na Araw, Bonifacio Day, Independence day at Rizal Day.

1 Comment

Filed under Buhay UAE

One response to “Top 10 Holidays in the UAE

  1. Sa amin sobrang hirap pa rin makapag Christmas leave. Or sa boss ko lang, kelangan ko pa ipaliwanag ang kahalagahan ng okasyon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s