Top 10 Election Moments

Malapit na namana ang eksyon at wala pa rin pag babago and mga style ng politiko sa ating bansa.

Naisipan ng inyong kritiko na mag kategorya ng top 10 election moment, ito ay ang mga karamihang nakikita natin at palagi nating naririniig sa ibat ibang sector ng lipunan.

  1. Epal moments – o san ka pa, lamay man yan o pamamahagi ng relief goods sa mga nabagyo sigurado may aspiring politician na idinidikdik ang pagmumukha sa taong bayan. Akala mo naman sariling pera niya ang ginamit at tayo naman mga uto-uto tuwang tuwa tayo sa panggogoyo nila. May pa picture-picture pa kasa ang mga ass-piring politicians
  1. Dynasty is the best policy – Si daddy, si mommy, si kuya, si ate at si lolo, lahat sila may pwesto sa gobyerno, magmula sa barangay chairman hangang sa senado. Mamahagi naman kayo ng biyaya sa iba, pabayaan nyo naman iba nag magnakaw magserbisyo sa bayan.
  1. Trapo, trapo at trapo parin – wala na atang ibang career choice ang mga politikong ito, nagging presidente na gustong maging congresswoman uli, gustong maging senador ulet, Yung ibang trapo e pwede ng mag retire at mag bingo na lang sa mall.
  1. United partido – usong uso nanaman ito, oo nga naman the bigger the more chance of winning.
  1. Lipat bahay – dating Lakas Tama ngayon Pwersa ng Kama, ang bilis naman magpalit ng prinsipyo ang mga negosyante pulitiko  sa atin.
  1. Bagong kasangga – kung may lipat bahay may lipat partner pa rin, sabagay sabi nga nila “there’s no permanent friends in politics only permanent interest.”
  1. Swap tayo – “O bhebe ko, tapos na akong maging senador, ikaw naman ha, at ako naman ngayon ang magiging congressman” ayos! Ang kina-iinis ko lang ay bakit harapan natin tinatanggap ang mga ito? Ganyan na ba katanga ang pinoy?
  1. Survey ko to – usong uso nanaman ang survey ng ibat ibang survey companies. Mas maganda siguro kung ang mag susurvey ay sina Madam Auring at si Madam Rosa sigurado showbiz ang dating ng survey.
  1. GGG – e ano pa e di Guns, Goons & Gold… punta ka sa Mindanao 1 week before eleksyon at malalaman mo sinasabi ko.
  1. Kalat! – eto ang pinaka ayaw ko kapag eleksyon.. hindi lang kalat sa kalsada, kundi pati mga pulitiko nag kakalat din, may kumakanta, nagpapakomedyante, kalat din sa internet, Facebook ba kamo? Aba like lang ng like sa Fanpage ni mayor, saan ka man tumingin.. KALAT!

Mabuti na lang nasa UAE ako at dito walang ganitong eksena. Kung tutuusing dapat ako ay proud at masaya  may kalayaan tayo at kapangyarihan para pumili ng lider natin, ang tanong ko lang ay….

Tama ba naman ang pagpili natin?

Leave a comment

Filed under Life as we know it

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s