Top 10 Bad Habits of UEA Drivers

Matagal tagal na akong hindi nag popost, pacensya na at busy lang si ka Kiko.

Eto ang top 10 na asiwang ugale sa kalye ng mga motorista sa UAE.

  1. Tutok – o sa ingles ay “tailgating” ang nakakainis pa dito ay ang mga dambuhalang 4×4 ang tututok sa iyo, hindi ito tutok na isang metro ang layo kundi isang pye at sabay ilawan ka o “flash” ka ng headlights niya. Kung may powers lang ako na makakatunaw ng bakal sa pamamagitan ng isipan, siguro madami dami na akong tinunaw na sasakyan.
  2. Zigzag – ito ang kaskaserong wala sa ayos, hindi ko alam kung natatae ang drayber na ito at nagmamadali maka una sa lahat.
  3. Pagong sa fast lane – dito sa UAE may fast lane at slow lane, karamihan kung 5 lanes yan yung dalawang nasa kaliwa ay fast lane, kung minsa nasa 2nd fast lane ang isang sasakyan at ang takbo ay para sa slow lane. Dahil ayaw ko namang i-tailgate ang mokong, didistansiya na lang ako o kaya lilipat ng lane.
  4. Biglang liko – eto ang isang klase na motorista na walang ka abug-abog na liliko sa kanan man o kaliwa, walang signal manlang at hindi ito dahan-dahan kung mag change lane.
  5. Caller – halos sa buong mundo bawal gumamit ng cellphone (maliban lang kung may headset) habang nagmamaneho, karamihan taxi drayber ang gumagawa nito
  6. Boy Singit – kahit sa Pinas may “boy singit” anong magagawa mo kung di mag pasensya.
  7. Parada sa gitna ng kalye – karamihan ang gumagawa nito ay mga TAXI drayber ng UAE, magbaba o magsasakay ng pasahero sa alanganing lugar.
  8. Duling na parking – malalaman mo ang ugale ng isang tao kung paano sya mag park ng sasakyan, yun lang ang masasabi ko.
  9. Red light addict – takot yata ang drayber na ito sa red light kaya palaging “beating the red light” ang mokong.
  10. Mainiting ulo na drayber – eto ang tipo na drayber na wala ka mang maling ginagawa at dahil mainit ang ulo niya at busina ng busina, karamihan makakatyempo ka ng drayber na ganito kapag Ramadan at mag aalas-sais (6 pm) na ng gabi, gutom na ang iba at bumubula na ang bibig.

9 Comments

Filed under Buhay UAE, Top 10

9 responses to “Top 10 Bad Habits of UEA Drivers

  1. except sa number 10, parang pilipinas rin pala ang kawalan ng disiplina jan. buti hindi ka nagroroad rage?lol

  2. nagcomment ako kanina biglang nabura. san napunta lol

  3. parang pilipinas rin pala sa kawalan ng disiplina. buti hini ka nagroroadrage. lol

  4. Ganyan din dito.. mukhang mga mideastern citizen adik magmaneho..

    Keep posting! pasok ka sa Liebster Blog Awards!
    https://panobamagblog.wordpress.com/2012/10/03/wow-i-got-an-award/

  5. hello ser…napadaan lang at nag comment na din, nabasa ko lang ang DPSA at doon kita nakita….

    andito lang po ako sa kabilang ibayo…ahihi….baka din dumayo jan sa weekend!

  6. palagay ko, palagay lang, at one time or another, naging ganyan ka rin maliban sa no. 8, hehe… hello, kiko… kailan ang labas ng bagong listahan? cheers!😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s