Top 10 Female Kontra Bida sa Pelikulang Pilipino

Matapos ang matagal kong pamamahinga balik uli tayo mga katoto sa Top 10 fever natin. At sa ngayon ay kailangan kong bigyan ng pansin ang ating mga matataray na kontrabida na naging bahagi na rin ng ating buhay.

1. Bella Flores – Sa boses pa lang matatakot ka na, lalung lalu na sa kanyan mga matatalim na mata, syempre siya ang number 1 sa atin kapag female kontrabida ang pinag uusapan, sino ba naman ang hindi makakakilala sa beteranang aktres na ito. Ang tunay na pangalan ni tita Belly at Remedios P. Dancel, ipinanganak noong February 27, 1936, siya na siguro ang isa sa mga magaling na character actress sa ating henerasyon. Ang sabi sabi kabaligtaran daw ang ugali niya sa pelikula at sa tunay na buhay, mabait na tao daw si tita Belly.

2. Celia Rodriguez – Isang mataray na matapobreng Donya, ito palagi ang role ni tita Celia, palaging kalaban ni Darna at siya ang original sa sosyal na kontrabida.

3. Armida Siguion-Reyna – hindi lang sa pag awit magaling si tita Mids, pati na rin sa pagiging matapang na Lola, Tita at Donya.

4. Rosemarie Gil – halos pareho ang estilo nila ni tita Cely, isang donya na matapobre din ang palaging labas niya.

5. Cherie Gil – “your nothing but a second rate tying hard copycat” sino ba naman ang makakalimot ng mga katagang ito, siyang ay isang ring “sosyal na kontra bida”, madalas ang role niya ay isang senyorita at ngayon na may edad na isa na rin siyang matapobreng donya na sosyalera. sabi nga ay kung ano daw ang puno ay siya rin ang bunga kaya tulad ni tita Rosemarie, magaling din syang artista.

6. Odette Khan – Siya ang tipong kontra bida na kaya kang ibenta sa bumbay para lamang magka pera Sa mata pa lamang niya ay matatakot ka na at maiinis, mataray at maingay, palaban, madalas na gumaganap na tiyahin, aswang at matandang dalaga.

7. Deborah Sun – hindi na sya masyadong aktibo ngayon sa pelikula man o TV, noong bata ako madalas na role niya ay isang kabet o kaya ay isang matapang napokpok.

8. Dexter Doria – Tulad ni Deborah Sun, noong bata ako ganun din ang mga role niya, ngayon matanda na sya, isang matapang na tyahin na lang ang role niya.

9. Bing Loyzaga – tulad ni Cherie Gil, isang matapang na babae ang mga role ni Bing, pero noong bata pa sya hindi sya na typecast na character actress.

10. Gladys Reyes – born to be a kontra bida ang tingin ko sa kanya, pero sa  mga pelikula at TV lang yun, mabait siya sa tunay na buhay. Tanong mo man kay Juday.

Eto lamang ang mga naisip ko ngayon, pero alam ko meron pa akong nakalimutan at hindi sinama katula ni Zeny Zabala, kaya lang baka hindi inabutan ng ating mga katoto si tita Zeny kaya hindi ko na sya sinaman. Isa ring halimbawa si Katrina Halili, isang sexy na matapang na mataray na kontra bida, pero tinuturing ko siyang sexy actress kesa sa isang kontra bida.

Kinaiinisan man natin sila dahil sinasabunutan nila ang ating bida sa mga napapanood nating mga soap opera at mga pelikula, misan gusto natin silang sabunutin at batuhan ng baso sa sama ng ugale nila, ngunit hindi kumpleto ang istorya kung wala sila.

4 Comments

Filed under All about blogging and bloggers

4 responses to “Top 10 Female Kontra Bida sa Pelikulang Pilipino

  1. Wala pong Sylvia Sanchez? haha! Siguro top 11 sya?

    paepal lang😀 bet ko to! hahaha pangarap ko ring maging kontrabida eh.

    Napadaan!🙂

  2. Pingback: Pagkikilanlanan | sasaliwngawit

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s