Bugtong

Noong bata pa ako, kapag brown-out sa amin nag bubugtungan kami ng mga kapatid ko, di pa uso PSP noon at wala kaming perang pambili ng game&watch, pampalipas ng oras ang bugtungan sa amin.

Kaya eto ang mga halimbawa ng mga bugtong na madalas itanong .

1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.

Sagot: kandila

2. Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.

Sagot: langka

3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.

Sagot: ampalaya

    
4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.

Sagot: ilaw

5. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.

Sagot: anino

6. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.

Sagot: banig

7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.

Sagot: siper

8. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.

Sagot: gamu-gamo

9. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.

Sagot: gumamela

10. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.

Sagot: kubyertos

11. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.

Sagot: kulambo

12. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.

Sagot: kuliglig

13. Baka ko sa palupandan, unga’y nakakarating kahit saan.

Sagot: kulog

14. May bintana nguni’t walang bubungan,
may pinto nguni’t walang hagdanan.

Sagot: kumpisalan

15. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.

Sagot: gunting

16. Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa.

Sagot: kasoy

17. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.

Sagot: paruparo

18. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.

Sagot: mga mata

19. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.

Sagot: tenga

20. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.

Sagot: baril

21. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.

Sagot: bayong o basket

22. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.

Sagot: batya

23. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.

Sagot: kamiseta

24. Buto’t balat na malapad, kay galing kung lumipad.

Sagot: saraggola

25. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.

Sagot: ballpen o Pluma

26. Nagbibigay na, sinasakal pa.

Sagot: bote

27. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.

Sagot: sandok

28. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.

Sagot: kampana o batingaw

29. Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona.

Sagot: bayabas

30. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa.

Sagot: balimbing

 

31. Maliit na bahay, puno ng mga patay.

Sagot: posporo

Leave a comment

Filed under Life as we know it

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s