Sa Pilipinas parin ba ang lugak ko?

Sa Pilipinas parin ba ang lugak ko?

Walong taon na ako sa UAE, noong bagong salta pa ako dito sinabi ko sa sarili ko na wala akong balak tumagal dito, bukod sa mainit na at iba ang cultura ng mga tao, hindi pa ito Christian country. Sa pabalik balik ko sa bansang ito every year nagbabakasyon ako sa ating bayan at doon ko nakita ang nakatagong gandan ng UAE, Una – kung ano trabaho mo yun din ang sahod mo. Oo may discriminasyon din dito pero kung isa kang propesyunal maganda rin naman ang sahod mo Pangalawa – walang tax dito, di gaya sa pinas magmumura ka sa kaltas sa tax at SSS, di bale sana kung alam mong napupunta sa tamang lugar ang perang kinakaltas sa iyo kaso alam mo na sa mga buwaya sa gobyerno napupunta ang perang pinaghirapan mo. Pangatlo – may takot ang mga tao dito sa gobyerno, ginagalang ang mga pulis sa UAE at sumusunod sa batas ang mga tao, oo may mga crimen din nangyayari pero walang snatcher dito, walang holdaper at carnapper. Pang apat – dahil nga develop country ito maayos ang mga pasilidad, maayos ang kalsada, walang brown-out at hindi daya ang mga kilohan ng mga tinder. Panglima – maganda ang pasahod dito, hindi ko makukuha ang sahod ko dito sa pinas kahit 24 oras pa akong mag trabaho. Ngunit kahit sabihin mong maganda dito sa UAE hindi mo pa rin masasabi na habang buhay ka dito dahil Una – hindi tumatanggap ng bagong citizen dito, expat ka lang at pagkatapos ng contrata mo bye bye na. Pangalawa – hindi ito ang cultura natin, hinahanap mo parin ang culturang pinoy. Pangatlo – temporary lang ang Buhay sa UAE alam yan ng bawat OFW, dahil nga expat ka lang hindi permanente ang buhay nyo dito. Pang lima – mataas ang standard of living dito, mahal ang edukasyon at renta ng bahay. At ngayon walung taon na ako dito sa UAE saan na ako pupunta, hinid naman ako pwedeng bumalik sa Pinas ng walang pera para mag negosyo, kung magtatagal pa ako dito sa dulo ng aking buhay wala naman akong makukuhang benepisyo na di tulad sa Canada at America na mey pension sila maliban lang sa separation pay mo. Isa ito sa mga problemang hinaharap ng isang OFW, minsan sinasabi na lang na dadaanin na lang sa paisa – isang hakbang, ang iba naman ay nag iipon ng todo todo at balak mag negosyo pag uwi sa pinas, ang iba naman ay balak mag migrate sa Canada, Australia o Amerika. Kung isa kang katulad kong OFW katoto, saan ka pagkatapos ng sampu hangang dalampung taon pagtratrabaho sa abroad? Ako hindi ko pa alam at hanggang ngayon pilit ko pang inaalam.

 

6 Comments

Filed under Buhay UAE

6 responses to “Sa Pilipinas parin ba ang lugak ko?

  1. hello, kiko! nice post… maganda itong nailatag mo sa simpleng paraan ang dilemma ng OFW, specifically ang kinakaharap at pangamba ng gaya mong OFW na professional. kumbaga, it’s a real and pressing concern, para sa individual na sangkot at sa nation, sa society natin, kumbaga..

    dati, isa iyan sa interests ko at may konti-konti na akong nasulat na papers on migration, both internal and external. hindi ko uli napapag-abalahang mag-research on the subject, pero now that you’ve brought it up, i might go back to the question and hopefully, makapagsulat again about it…

    ang isang theory ko (theory raw, o? haha) is when bumabalik sa bansa nya ang OFW, lalo pa kung taga-remote area, hindi na sya doon tumitira sa village na pinanggalingan nya. instead, sa nearby city sa province, sa bigger city (metro) or sa ibang bansa rin (not necessarily sa pinagtrabahuhan nya) na sya at ang kanyang pamilya nagsi-settle. kumbaga, less chance na bumalik sa mismong pinagmulan.

    and such, seems to make sense kasi, hindi usually sustainable kung ang business na maipupundar ay pampasaherong dyip at sari-sari store (pag OFW na manual laborer or domestic help, ganito ang karaniwang naipupundar). kailangan siguro, may ibang opportunities or package for the OFW na professionals in light of the fact na iba rin ang standard of living na kinasanayan niya at ng kanyang pamilya. mga gano’n… ^^ btw, karamihan na ba ang ipon mo, kiko? jok! :):)

  2. napapanahong katanungan, bigla tuloy akong napa isip…hay buhay sa dubay!

  3. Ay! nakarelate naman ako dito… tulad mo di ko pa rin alam kung saan ako after 10 years! Minsan mare realize mo na lang parang sa tinagal tagal mo sa abroad di pa rin sapat ang ipon, tipong hindi ka pa ready umuwi ng Pinas kase alam mong wala naman naghihintay na career sa’yo don. Kaya importante talagang i-manage ng maganda ang finances para kung ano’t ano man may fallback tayo.

    Gandang umaga Kiko!

  4. matagal na rin ako sa ibang bansa. Di rin kalakihan ang ipon ko… kung meron man. Nakakainis. Kahit anong gawin, me dumarating talagang emergency at magagalaw din ang ipon mo. Napapaisip na rin akong magmigrate pero matimbang pa rin na sa Pinas ko pa rin gustong manatili.

    Tingnan natin. Kung san siguro ako dahil ni Lord.🙂 I’ll let Him guide my way.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s