Ang top 10 pinaka paboritong alak sa UAE

Magpapasko na naman at sa UAE uso nanaman ang Christmas Party, kahit Muslim country ang UAE, mararamdaman mo pa rin ang himig ng pasko, malamig din tulad sa atin at kung tutuusin mas malamig pa nga dito kapag pasko. Madalas mag party ang mga OWF dito, xmas party sa opisina, sa mga flat/villa mates at sa barkada.

Sa tagal ko ng nakikipag party sa UAE napagsama-sama ko ang mga top 10 pinaka paboritong inumin ng mga OFW.

Syanga pala, legally bawal bumili ng alak, dapat may lisensya ka para bumili ng alak, at legally dapat lahat kayo may lisensya para uminom ng alak, pero dahil kilala ang mga pinoy na sunog baga, pinababayaan na lang ang mga expat na uminom sa bahay man o sa mga bars, basta ang kundisyon ay walang manggugulu o mag wawala.

Eto na ang top 10 pinaka paboritong alak sa UAE

1. Beer – Una sa lahat ang REDHOURSE, SAN MIGUEL, FOSTERS at HEINEKEN, dahil siguro beer drinkers ang mga pinoy eto ang karamihan paborito nila sa bahay man o sa bar. Madalas “in cans” ang mga ito, pero mas masarap kung naka “boto” ang beer. Price: AED 100 per 24 cans (PhP 1,100 per 24 cans)

2. Tequila Cuervo – Madalas kasama sa beer at tequila quervo ng mga party goers dito, madalas mga babae ang mahilig sa tequila at hindi mawawala ang asin at lemon, kung minsan ginagawang cocktail drinks.  Price: AED 110 per 1 litre (PhP 1,200 per 1 litre)

3. Absolute Vodka – ang pinaka swabeng vodka natikman ko, ibat ibang flavor at masarap ihalo sa mga juices. Price: AED 80 per litre (PhP 920)

 

 

4. J&B – ang swabeng scotch whisky, madalas ihalo sa sprite o simpleng scotch on the rocks. Price: AED 110 per 1 litre (PhP 1,200 per 1 litre)

 

 

5. Johnnie Walker – Madaming kulay ang alak na ito, at ibat ibang presyo din, ang pinaka mura sa lahat ay ang Johnnie Walker Red, kasunod nito ang Black. Hanggang doon pa lang ako sa mga alak na ito at hindi ko pa natitikman ang Green, Gold at Blue, sabi nila pinaka mahal daw ang Blue. Price: AED 85 per 1 litre Red (PhP 970), sa black AED 120 per 1 litre o (PhP 1,380)

6. Fundador – ang brandy na paborito ng pinoy, swabe at matamis tamis. Price AED 80 per litre (PhP 920)

7. Jack Daniels –eto ang pinaka paborito kong alak noon pa hangang ngayon, ewan ko ba bakit ganun na lang ang pag hanga ko kay pareng jack, masarap inumin ito ng may yelo lamang o kaya lagyan ng SCHWEPPES ginger ale na carbonated drink, para ka lang umiinom ng coke sa sarap.  Price: AED 120 per 1 litre o (PhP 1,380)

8. Smirnoff – Katulad ng absolute vodka swabe din siya pero mas masarap parin ang absolute kumpara mo sa Smirnoff. Price AED 80 per litre (PhP 920)

9. Baileys – ang cholate na alak, may kamahalan ang alak na ito, paboritong inumin ng kababaihan, para ka lang umiinom ng chocolate, pero tamang red hourse. Price: AED 130 per litre (PhP1,400)

10. King Robert/Napoleon ATBP – eto ang mga cheap liquor sa UAE, bibihirang uminom ang mga pinoy nito, kapag visit visa ka at wala pang trabaho ganito malamang ang iinumin mo. Price: AED 25 (PhP 280)

Lahat ng nabangit kong alak sa itaas ay natikman ko ng lahat, at marami pa na di ko na matandaan ang lasa o pangalan, ito lang ang isa sa mga prebelehiyo ng isang OFW, kaya mong tikman  ang ibat ibang klaseng alak na de kalidad. Pero kapag umuuwi ako sa SMB pale pilsen parin ang takbo ko dahil na rin siguro sa bihira ko syang matikman (yun naka bote) at iba parin ang ice cold SMB. Sa susunod top pulutan naman.

5 Comments

Filed under Top 10

5 responses to “Ang top 10 pinaka paboritong alak sa UAE

  1. karissa

    hello po. tanong ko lang po kung may kilala po kayong mabibilhan ng alak?

  2. doon po sa amin

    ahaha, very authoritative. spoken like a true afficionado. wala akong masabi. sana ay nalasing ka noong pagpapalit ng taon, haha. ^^

    Happy New Year, kritikong kiko…. :]

  3. mga mhal ba yung mga alak jan?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s