Top 10 nakakainis o wierdong regalo sa pasko

Bahagi ito ng Christmas special ni ka Kiko kaya medyo tyaga-tyaga muna sa pagbabasa, di masyadong jabonga kase ang pasko dito kaya namimiss ko paskong pinoy.

Eto na Top 10 nakakainis o wierdong regalo sa pasko

  1. Panyo – eto na yata ang pinaka “boring” na regalo sa pasko, kahit birthday o anumang okasyon may nagreregalo ng panyo, di pa yata uso tissue sa kanila kaya sila nagreregalo ng panyo.
  2. Kitchen utensils – katulad ng kutsara, can opener, fruit peeler, may monito monita kame sa opisina, kami lang mga pinoy ang nagparticipate at ang minimum amount ng regalo at AED10 equivalent to PhP 110, may nagregalo ba naman ng fruit peeler, ano ba naman yun walang ka effort effort.
  3.  Flower vase – sa totoo lang maganda ang flower vase, pero talaga lang ha… dapat ba flower vase ang regalo mo?
  4. Album – hindi na uso ang album… uso na ang touch pad…. at LED frames
  5. Picture Frame – lalung lalu na kung may picture nung nagregalo.. heller ano ka artista?
  6. Hair Clips, Headband – Hindi dahil lalake ako kaya ayaw ko ng ganyang regalo, naisip ko lang na wala na bang ibang maisip na mareregalo sa isang tao at mga regular items na lang ba ang naisipang ibigay, lalu kang maiinis kung lalake ang nakatanggap nito.
  7. Key chain – maniwal man kayo o hindi, may nagregalo sa akin ng key-chain at binalot pa ito ng jabonga.
  8. Gift Certificate – hindi naman gaano ka pangit ang gift certificate, kaya lang kung minsa ang gift certificate at may expiration date o sa mamahaling department store na wala kang mabibili na baba sa isang libo at ang gift certificate mo ay sa halagang 500 lang, abunado ka pa.
  9. Alarm Clock – ikaw na ang maagang gumising
  10. Candies – kahit sabihin mo na imported ang chocolates na regalo mo, para sa akin walang ka-effort effort ito.

Alam ko naman na “It’s the thought that counts” (utot) at wala kang karapatan magreklamo at pasalamat ka na lang at may naka-alala pa sa iyo. Ito lamang ang aking obresbasyon sa mga reaction ng mga tao kapag nakatatanggap nila ng ganitong regalo.

Maligayang Pasko sa lahat ng blogers at readers ang inyong taga obserba ng ibat ibang anik-anik

– Kritikong Kiko. 

 

4 Comments

Filed under Top 10

4 responses to “Top 10 nakakainis o wierdong regalo sa pasko

  1. he he, may nalimutan ka, meron din nag bigay nang sabon, yung lifeboy at safeguard ang brand

  2. Haha! Di na nag-isip ng ireregalo… Kung ano nalang ang makita within the price range, kinuha na lang. Mas maganda talaga, magtanong muna kung ano ang gusto bago bumili ng regalo. Repack mo na lang at iregalo sa iba. Recycle kumbaga!

  3. Brief s lalaki mganda bng pangregalo o weirdo n regalo ngayong pasko?? Ano b ang mas bonggang pangregalo s mr. Mo??

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s