Top 10 karaniwang regalo sa Pasko

Apat na dekada na akong nabubuhay sa mundong ito at apat na dekada na rin dumaan ang pasko sa akin, dito sa UAE uso din ang pasko, may mga Christmas Décor sa mga malls at may simbang gabi din dito.

Tuwing pasko syempre palaging inaabangan ang monito-monita o exchange gifts, pero napapansin ko na may mga karaniwang regalo ang pinoy tuwing pasko at eto ang mga sumusonod:

 

  1. Pera (aguinaldo) – yan ang pinaka madalas na regalo ni ninong at ninang, oo nga naman mas practical, ikaw na ang bahalang bumili ng gusto mo. Naalala ko pa noong bata ako, hindi ko ginagastos ang mga malulutong na tig dadalawang piso at tinatago ko ito sa wallet ko.
  2. Mga Laruan – syempre ang pasko ay higit sa lahat ay para sa mga bata kaya di mawawala ang baril-barilan ni Junior at ang Barbie ni Nene.
  3. Ham – hamon de bola, karaniwan ang mga kumpanya ang nagreregalo nito sa kanilang empleyado bilang bonus, ok na rin kesa sa mag drugs.
  4. T-shirt, Blouse o Damit – isang napaka madalas na regalo, siguraduhin lang na tama ang sukat at babagay sa bibigyan.
  5. Wallet – masuwerte daw kapag neregaluhan ka ng wallet dahil hindi ito mauubusan ng laman pero di ata ako naniniwala sa kasabihan na yun.
  6. Belt – paboritong ibigay kay tito at daddy lalung lalu na kung leather at signature.
  7. Accessories (tulad ng hikaw, singsing, kwintas) – madalas regalo kay tita, ate at sa girl friend.
  8. Coffee Mug – madalas ibigay sa ka opisina, sa boss o kaya sa mamang guard
  9. Gift Certificate – dahil nagkalat ang mga mall sa pinas kaya uso na rin ang mga ito.
  10. Electronic Gadgets – Mobile Phone, PSP, IPAD kung may pera ka kayang kaya mo ito, noong bata pa ako di uso ang electronic gadgets, malutong na sampung piso lang ay ok na.

 

Kayo ano ang mga ereregalo nyo ngayong pasko?

3 Comments

Filed under Top 10

3 responses to “Top 10 karaniwang regalo sa Pasko

  1. hello, kiko…

    hala, may isang ate ako na dati ay panay ang regalo sa ‘kin ng candle holders. tatlong Xmas atang consecutive ‘yon. until isang araw, ipinasabi ko sa isang anak nya na pausap, hwag nang candle holders (pwede na sa ‘kin kako ang havaianas kasi, isa ang tsinelas sa di ko ginagastusan ng mahal, maski pasko).

    di pa rin nya ako binigyan ng pasosyal na tsinelas (maski ang mga anak nya ay tig-aapat na pares ng birkenstock at havaianas) pero at least, branded na pabango na ang ibinigay nya sa ‘kin ever since. ahaha, ‘yan ang kwentong regalo ‘ko sa ‘yo, kikoman…

    busy-busihan ako, these days, kapatid, may mga inaayos lang. btw, naka-post na ang guest blog ko sa site ni superlolongpinoy, sa wordpress din. btw, hope things are well…🙂

  2. Reblogged this on kritikong kiko and commented:

    Hay naku parang last year lang..
    re-post na lang si kiko sobrang busy…

  3. Hmmm… ang tagal ko na rin na hindi nakakatanggap ng GC…

    Sana meron ngayon ^_^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s