Ang Sampung Kapitbahay

Malaki ang aming barrio kung saan ako lumake, may anim (6) na purok ito, masasabing typical na probinsya ang barrio namin at marami akong masasayang ala-ala doon.

Saan man kayo sa Pilipinas sinilang sigurado ako may mga ibat ibang karakter sa inyong barrio kaya eto na ang  Sampung Kapitbahay Natin.

  1. Leader ng bayan – maari siya ang barangay kapitan, kagawad o president ng home owner association, karamihan isang kilalang matulungin na tao, isang propesyunal, isang politiko at gayun din ang kanyang pamilya o mga kamag anak.
  2. Don ng bayan – siya ang taong malakeng magbigay ng donasyon sa simbahan o tuwing may fiesta man o patay, siya ay isang negosyante o kayay mga “old rich na pamilya”, minsan siya din ang nag-spoponsor sa uniporme ng barangay basketball team. Madalas siyang maging Hermana Mayor sa Barangay Fiesta
  3.  Crush ng bayan – pogi sa paningin ng mga kababaihan at ganun di idolo ng kalalakihan, siya ang sikat na basketball player ng barrio o kaya ay isang daladang sumasali sa beauty contest, madalas na muse sa liga ng basketball at sa Sta. Cruzan.
  4. Chismosa ng bayan – karamihan siya din ang may ari ng sari- sari store sa tabing bahay ninyo, alam lahat kung sino ang nangangaliwa sa asawa at kung sino ang may utang sa isat-isa, siya din ang nagpapasisimula ng gulo sa lugar ninyo
  5. Kolector ng bayan – siya ang tagapagkolekta ng abuloy sa patay, siya rin ang kobrador ninyo sa Jueteng, lotto at PBA ending, pinagkakatiwalaan siya sa pera.
  6. Sunog-baga ng bayan – eto ang kapitbahay mo na alam lahat ng okasyon at inuman, ito ang taong palagi mong nakikita sa birthday, kasal o binyagan, karamihan siya ang taga luto ng pulutan at taga bili ng yosi at siya rin ang “last man standing” kapag tapos na ang session.
  7. Musikero ng bayan – eto yung guitarista ng bayan, sa lamay man o sa birthday nandun sya, siya rin siguro ang guitarista sa inyong choir, wala bayad kung sya ay tumugtog, inom lang at palakpakan ay sapat na bilang bayad.
  8. Albolaryo o Duktor ng bayan – sa isang nayon, sigurado may isang hilot o albularyo, o kaya naman isang doctor (kung sinuswerte hindi nag abroad) Sikat sila lalung lalu na kapag tag-ulan na at taglamig dahil uso nanaman ang sipon at trankaso, sikat sila sa mga bata tuwing bakasyon panahon kase ng pagtutule.
  9. Pok-pok ng bayan – mahirap o nakakahiya mang isipin, pero minsan may napapahalong ganito sa atin, ngunit anong magagawa mo tao lamang sya at mapagbigay o baka ikaw ang bumigay sa kanyan
  10. Kawatan ng bayan – hindi nawawala ito sa isang barrio, sabihin mo man na lahat ng ka-barrio mo noon ay mabubuting tao, may iilan pa rin mg pangyayari na nawalan kayo ng isang tandang na manok, isang bagong t-shirt o kaya ay Levis na pantaloon, kaagan iniisip mo ay iisang tao lang, karamihan isang adik ang taong ito o kayay may deperensya sa utak.
  11. Barbero ng bayan – dapat sampu laman ang ipapahayag ko dito ngunit mahalaga din si mamang barbero, pwede ding si bading sa kanto ang tinutukoy ko, sila ang taga gupit ng buhok ng kalalakihan, minsan higit pa sa gupit ang makukuha mo sa kanila.

Marami pang ibat ibang klaseng kapitbahay tayo sa ating pook katulad ng mag adik, rehilyoso, mga pamilyang OFW (kasama na dun ang Japayuki)  ngunit ito labing isang ito ang mga tumatak sa aking isipan.

1 Comment

Filed under Life as we know it

One response to “Ang Sampung Kapitbahay

  1. hello, kiko…

    maganda ang post mong ito. isa ito sa mga lists mong kahanga-hanga, ahaha.

    balak ko ring isang araw ay gumawa ng post/s ukol sa stereotype characters sa isang lugar pero anyong pa-sanaysay siguro. pag natuloy yon, makikihiram ako ng konti sa post mong ito, ahaha.

    hmmn…bakit ang 10 ay naging 11, kikoman? may addition, wari….🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s