Ang Buhay Dubai

Isang maikling kwento

 Ang kwento kong ito ay tungkol sa nakilala kong tao sa Dubai, si Lea,isang dalagang ina,  ang itsura ni Lea ay di mo mawari kung babae ba o lalake, pero alam mong babae dahil palaging may dalang dalang bata na anak niya na ang pangalan ay tintin.

 Bakit ko naman nakuwento sa inyo si Lea, Ganito yun, si Lea ay isang TNT o illegal alien sa bansang UAE, walang working visa ika nga. Ngunit nagtataka ako kung paano siya nabubuhay at paano nanganak na hindi nakukulong (dito kase kung wala kang asawa at nagka anak ka ay kulong ang aabutin mo), nalaman kong wala siyang trabaho dahil sa ikukuwento ko, noong una ang sabi niya ay may boss siyang pinay na nag nag cacater ng ulam sa mga opisina, parties at may restaurant sila, agad naman kaming naniwala dun, kung minsan nga nagdadala ng pagkain, isang araw may dalang isang malaking roasted turkey, isang araw naman pinakain kame ng isang basket na home made siopoa, at kung minsa mga cake naman ang dala. Ang palaging sinasabi niya ay sobra laman ang mga iyon sa mga parties na kinacater nila.

 Isang araw may naghahanap kay Lea, isang matandang hukluban, nagbebenta daw ang matanda ng load sa cellphone at madami ng nakuhang load si Lea at di pa binabarayan, dahil alam ko na mabait naman si Lea ay pinagtangol ko siya at ang sabi ko na “may trabaho naman po si Lea at sa tingin ko kayang barayan niya yang utang niya sa load”, napatawa ang matanda at sinabi sa amin na walang trabaho si Lea at kaya nga kumuha ng load sa kanya para mag benta rin at kumita kahit papano.

 “teka-teka ang sabi sa amin sa isang pinay na may ari ng restaurant siya nagtatrabaho” yun ang aking nabangit sa matanda, doon na sinabi ng matanda ang tutoo, na si Lea ay isang TNT at mahilig mag sininungaling, mangutang at manloko ng tao.

 Doon ako nag isip at nag taka, kung wala siyang trabaho sa restaurant? Saan siya kumukuha ng pagkain na pinapakain pa sa amin?

 Hanggang ngayon hindi ko parin alam ang sagot.

 Syanga pala, bigla na lang nawala si Lea, dina namin nahagilap, hindi naman pwedeng umuwi sa pinas yun dahil walang passport at TNT at nalaman ko na pinautang pala siya ng mga kasamahan ko sa bahay, umabot halos 2,000 dirhams (24,000) ang inutang niya, buti na lang wala akong pera noong panahon na yun.

 

6 Comments

Filed under Buhay UAE

6 responses to “Ang Buhay Dubai

  1. Sphere

    may kwento din ako may muntik na akong ampunin na bata nasa 3yrs. old anak ng isang pinay pero hindi Lea ang pangalan at hindi Tintin ang pangalan ng bata ibang lahi ang ama kaso inabanduna sila at ang usapan ako magaayos ng papers sa consulate para mabigyan ng passport ang bata tapos uuwi na yong Nanay kasi may anak din sya sa Pinas at asawa kaya hindi nya pwedeng dalhin don ang bata. Ang usapan gagastusan ko ang paguwi nya sa Pinas aayusin lahat ng gusot tapos iiwan sakin ang bata kaso nong inaayos ko na ang gusto eh bigyan ko na lng sya ng passport at hindi na sya uuwi ng Pinas at sakin na lang sya magwowork. hindi ako pumayag ate Charo sa kagustuhang nyang yon pero naawa ako don sa bata kasi pakalat kalat silang mag ina sa ngayon hindi ko na rin alam kung nasan sila.

  2. Giovanni Carlo

    nagawa nalng ni Lea magsinungaling upang mabuhay, siguro biktima sya nang illegal migrant trafficker

  3. maganda rin ang pagkakahabi mo nito, kiko. may ilan pang typo error, kapatid, at sana’y magka-oras ka para i-edit, hehe… regards sa iyo at sa iyong pamilya… 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s