Ang Gasolina Ng Buhay

 

Ano ang gasolina mo kaibigan? Ano ang ibig kong sabihin?

 

Mula pa sa pagka bata may gasolina tayong sa buhay ito man ay ang aginaldo tuwing pasko, o regalo ni tito at tita tuwing kaarawan mo, ang pag yakap kay nanay at tatay, ang mga kwento ni lolo at lola,  ang masasarap na pagkain tuwing fiesta o birthday, ang pag simba kasama ang pamilya, ang paglalaro sa kalsada kasama ang mga bata sa kapit bahay.

 

Nang mag bibinata o nagdalaga ka na ang gasolina mo sa buhay ay ang makita mo ang crush mo, o kaya ang tawanan ninyo ng mga barkada, o kaya’y naman ang magandang  damit na suot mo, ang pagsimba kasa ang barkada,  ang makapag facebook at internet, ang makapag mall kasama barkada, ang mga patagong gimikan at date.

 

Nakatuntong ka na ng kolehiyo at ang gasolina mo sa buhay ay ang bago mong mga kaibigan, ang bagong kalayaan na natatamasa mo ngayon, ang mga magaganda mong kaklase at ka eskwela, ang mga school activities, ang mga inuman session ng tropa, ang ligawa at harutan, ang pagkakakuha ng mataas na grado sa pag-aaral, ang pagkatuto mong magmaneho at pagkakaroon mo ng drivers licence, ang pagmamaneho mo ng kotse ni tatay para gamitin sa panliligaw, at noong sinagot ka ng iyong nililigawan, ang magkaroon ng kasintahan, ang pagsimba kasama ang syota at ang pag tatapos mo ng kolehiyo.

 

Natapos ka na ng kolehiyo at ang bagong gasolina mo sa buhay ay ang iyong trabaho, ang una mong sahod na hindi mo malaman kung saan mo gagastusin, ang saya sa pagtanggap ng una mong sahod, ang pagiging isang ganap na “adult” at kaya mo nang buhayin ang sarili mo, ang pamamasyal mo sa ibat ibang lugar, ang mahanap mo ang iyong true love, ang pagplanong magpakasal, ang pamamanhikan at ang iyong kasal.

 

Nagpa- kasal ka na at ang gasolina mo sa buhay ay ang pagbubuntis ni misis, ang pag silang ng iyong unang anak, ang pag binyag ng iyong anak, ang pag simba kasama ang bagong baby, ang mayakap ang iyong anak, ang makita mong paglaki ng iyong anak, at napatapos mo ang iyong anak sa kolehiyo, ang makita mo ang iyong anak na lumaki ng maayos at isang mabuting mamamayan.

 

Ngayon ikaw at ang iyong mahal na asawa ay retirado na sa buhay, may pension na natatanggap, maganda na rin ang buhay ng dalawa mong anak ang isa ay nasa abroad at ang isa naman ay negosyante sa Pilipinas, may apat na apo ka na, ito na ang gasolina mo sa buhay.

 

Bagamat hindi man natin naabot o natanggap ang ibat ibang gasolina sa buhay tulad ng aking napahayag, o kung minsa tumataas ang presyo ng gasolina, kung minsan naman bumamaba ng konti, kung minsan naman ang hirap maghanap o bumili ng gasolina, o kaya ay hindi possible makamtan ang ibang gasolina, iisa lang ang nais kong tukuyin, may ibat ibang gasolina man tayong natatanggap huwag sana nating kalimutan na magpasalamat. Pagpapasalamat at pagpapahalaga sa mga gasolina ng ating buhay, ito man ay simple lamang o mahalaga, huwag sana nating kalimutan na lahat ng ito ay galing sa Panginoon, dahil siya ang dahilan at nagbigay at ang tunay na gasolina ng ating buhay.

 

 “This is my entry to The Gasoline Dude’s Blogversary Writing Contest. I want to win the 1TB Portable Hard Drive!”)

11 Comments

Filed under All about blogging and bloggers

11 responses to “Ang Gasolina Ng Buhay

  1. Thanks Bro! Pa-comment na lang sa post ko with the link and other info.🙂

  2. Bro, paki-refer sa mechanics: For easier reference & tracking, make a comment under this post with the following information: Your name/alias, email address, blog URL, blog entry title, & URL link to your blog entry.🙂

  3. more gasolinas to come for you kritikong kiko!:)

  4. After more than a month of reading and putting scores on each entry, FINALLY! Check my blog for the list of winners. Salamat sa paglahok at pagsuporta sa aking munting patimpalak.🙂

  5. I had an awesome time reading this entry.
    Will bookmark your blog🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s