Sex Education in the Philippines

Sa panahon ngayon na ang daming unwanted pregnancies, ikaw ay mapapa-isip kung bakit nangyayari ito. Maaaring isang dahilan ay kawalan ng sex education sa ating curriculum sa elementarya.

Sabi ng mga psychologist mas maganda daw ay maaga pa lang alam na ang tungkol sa sex, mga idad 11 – 12 ay dapat ng malaman ang tunkol sa pagtatalik.

Bilang isang modernong Katoliko, wala akong nakikitang masama sa panukalang yun, bahagi ito ng kontrobersyal na RH Bill, sa RH Bill ipapatupad na isama ang sex education sa grade 5 level sa lahat ng public shools.  Ang sabi ng mga konserbatibong groupo ay napaka-aga ng edad 11-12 para malaman ang tunkol sa sex, ngunit kung tutuusin mo wala sa curriculum ng high school ang sex education. Kung kaya matatanong mo sa sarili mo na “kailan dapat ituro ang sex education?”. Hindi mo masasabi na sa biology classes ninyo sa high school ay tatalakayin ang kumpletong detalye ng sex education, paano kung hindi tumungtong ng high school ang tao?, at naalala ko sa biology class namin na hindi tinuro ng aming guro kung paano gumamit ng wastong condom bagamat tinuro ang “reproductive system” sa amin hindi ito nangangahulugan na hindi ka makakabuntis o mabubuntis ng wala sa oras, sa madaling salita hindi tinuro sa biology class ang safe sex, responsableng pakikipagtalik at iba pa.

Ang sinasabi ng mga konserbatibo ay maagang magigising ang kabataan sa sexualidad at patutungo ito sa imoralidad. Ang tanong ko ay “Bakit?” hindi na bobo at mangmang ang mga kabataan ngayon, mas matalino na at mulat na ang mga kabataan ngayon kesa noon, dahil sa bagong teknolohiya isang kumpas mo lang sa internet at nasa porn site ka na, at doon direkta mong makikita ang sex na actual na ginagawa.

Tulad ng sinabi ko noon pa sa nakaraan kong post, kailangan na at dapat noon pa binigay ng gobyerno ang serbisyong ito, sa health center man o sa elementary school man.

Kailan pa malalaman ng kabataan ang tungkol sa sex? Kapag na experience na nila ito? Kapag nabuntis na si Nene? Mas adventurous ang mga kabataan ngayon, ang kailangan nila ay wastong gabay sa sex education at sa pagiging responsableng mamamayan.

Panoorin sa baba ang isang documentaryo tunkol sa “sex education in the Philippines”

6 Comments

Filed under Life as we know it, Politika ATBP

6 responses to “Sex Education in the Philippines

  1. Ang dami dami ng gustong mangyari ng gobyerno, pati sex pinapakialaman na! pati panganganak napanood ko ang debate about sa RH bill sa totoo lang naguluhan lang ako sa gusto nilang mangyari pinoproblema nila ang mga babaeng namamatay sa panganganak, pero hindi nila pinoproblema ang dulot ng mga pills na ipapainom nila ang gulo lang parang bangs ni Enrile.

    pasensya na naguguluhan parin ako at sana naguluhan ka din sa comment ko damay damay nato! hahahahaha

    • Ha ha ha, buti na lang may suklay ako at mapa para hindi maguluhan, dapat talagang pakialaman ng gobyerno ang sex education at panganganak ng mga pinoy, mahirap na dumami ang kalahi natin. Salamat sa pagbisita Bb. Sphere🙂

  2. sa aking pananaw, nais ng gobyerno na ipatupad ang RH bill upang pigilan ang paglobo ng ating populasyon. Alam myo ba na ang Pilipinas ay pang # 12 sa may pinakamalaking populasyon sa mundo?

    • Maraming benepisyo ang RH Bill, hindi ko lang alam kung bakit madami ang kumokontra dito, tignan mo nalang ang rason ni Lito Lapin, nag ka anak siya ng blue baby at namatay kaya ayaw niya sa RH Bill… hhhmmm may koneksyon ba yun sa RH Bill? Akala ko ako lang ang adik.

  3. hello, kiko.

    gusto ko ang post na ito dahil malinaw, well-argued ang points at may paninindigan. thumbs up!

    higit sa lahat, gusto ko ito dahil parang may manunulat na nag-take time na mag-edit, ahaha. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s