Top 10 Action Stars that I Admire

 Noong bata pa ako mahilig akong manood ng mga lumang pelikula nila FPJ, Lito Lapid, Jun Aristorenas at Erap. Giliw na giliw ako kapag napapanood ko kung paano nabubugbog sina Paquito kay FPJ o kung paano hatiin ang bala ni Lito Lapid sa pamamagitan ng kanyan punyal. Pero noong nagbibinata na ako at sa kasalukuyan mas kahanga hanag ang mga action movies ng America dahil sa galing sa special effects at kakaibang istorya.

Dito sa post kong ito makikita ang top 10 na action stars na palagi kong inaabangan ang mga movies nila.

1. Jackie Chan – He is my No. 1 action star because of his originality, hindi lang siya magaling sa action pati na rin sa comedy and drama, sa isang pelikula niya ang “Shinjuku Incident” dito mo makikita ang galing ni ka-Jakie sa drama, kakaiba ang pelikulang ito sa mga pelikulang ginawa ni Jakie Chan noon.

2. Angelina Jolie – siyang ang kaisa-isang babaeng action star na hinahangaan ko, madaming nagsulputan mga artistang babae na sumabak sa action, pero kakaiba si Angelina sa mga action niya, dahil na rin siguro sa ganda at kaseksihan niya, kaya madaming kalalakihan at kababahian ang nahuhumaling sa kanya.

3. Arnold Scwarzenegger – hindi lang sa mahirap ispelingin ang apelido ni ka-Arnold, pati mga pelikula niya ay mahirap gawin, sino ba naman ang makakalimot kay Terminator. Taga Austria si ka-Arnold ngunit nakuha niya ang atensyon ng buong mundo sa mga pelikula niya. Ang paborito sabihin kataga ay “I”ll be back!”

4. Sylvester Stallon – katulad ni ka-Arnold, ka batch mate niya si Sly at pereho silang hindi marunong umarte, sikat na sikat ang “Rambo” at “Rocky” noon at ang kataga niyang “I’m coming to get you” sa Rambo movies. Ano kakaiba sa action star na ito? Ang buong pagkatao niya, sa unang tingin mo pa lang makikita mo na hindi palabiro ang ugali dahil siguro sa masculine features niya. Katulad ni ka-Arnold bibihira ang dialog niya sa mga pelikula niya, kung si ka-Arnold ay bulol, si Sly naman ay ngongo kapag nagsalita at ang hirap intindihin ang mga sinasabi.

5. Jet Lee – isang asian na magaling sa martial arts, hindi katulad ni ka-Jakie, walang comedy sa mga movies ni Jet, serious action ang tawag ko dun, bibihira siyang tumawa sa kangyang movies, ano ang gustong gusto ko sa kanyan? Ano pa e di yung mga action fights niya, technical fights ata ang tawag dun, magaganda ang moves at natural. Ito ang isang action star na walang malalaking muscles na katulad ni Arnold at Sly, ngunit dahil sa galing sa martial arts at sa kanyan pamatay na moves kaya tinuturi ko siyang isa sa aking paborito.

6. Bruce Willis – “Yippe kay ye m_th_r F_ck_r” yang ang sikat na dialog ni pareng Bruce, para sa akin siya ang tipical na “American Action Hero”, cowboy style ang nakikita ko sa kanya. Walang esep esep basta barilan kung barilan.

7. Clint Eastwood – isang betreranong actor, magaling na director, para sa akin isa siyang legend pagdating sa Hollywood movies, kakaiba ang action niya, parang ordinaryong tao lang siya dahil walang flying kick at matinding barilan sa kanyan pelikula ngunit yung substance niya bilang isang bida, sikat siya sa kanyan pelikulang “Dirty Harry” ngunit bukod sa movie na ito madami pa siyang magagandang movies, katulad ng “Million Dollar Baby”, “True Crime” at marami pang iba na talagang magaganda. At ang sikat na kataga niya “Go ahead punk… make my day”, parang nakikita ko si FPJ sa kanya.

8. Dwayne “The Rock” Johnson – Isa siyang Wresler at ngayon isa siya sa mga bagong generasyon ng mga action stars, kasabay ni Vin Diesel, pareho sila ng style ni Sylvester Stallon, ngunit ito ay marunong umarte o magsalita ng tuwid. Kahit baguhan pa siya sa movie industry makikita mo ang kanyan potensyal, ang unang movie na pinanood ko sya ay sa “The Mummy” pagkatapos nun ay ang “The Scorpion King” ang pinaka gusto kong movie ginawa niya ay ang “Faster” at “Walking Tall”

9. Steven Seagal – Kung ang hanap mo ay swabeng fight scene, siyang ang action star mo, bakit swabe? Dahil “cool na astig” ang dating niya , mahinahon kung magsalita at parang lagging inaantok, pero huwag ka, brutal ang mga fight scene niya, siguradong may mababalian ng buto sa mga movies niya.

10. John Travolta – Siya si “Mr. Cool”, katulad ni ka-Steven, pero kakaiba ang cool niya, mas sosyal ang pagka cool niya, at parang maiinsulto ka sa kanyang reaction. Magaling na actor si ka-John, paborito ko ang movie niya kasama si Nicholas Cage na “Face Off” hindi mo rin matatanggi ang galing niya sa “Sword Fish” at kakaibang actor ang makikita mo sa “To Paris with Love”. Versatile actor kung matatawag si ka-John kaya siya ganun kagaling.

3 Comments

Filed under Top 10

3 responses to “Top 10 Action Stars that I Admire

  1. hello, kiko! happy weekend…

    ahaha, ang bata pa ni clint eastwood sa pic. di ko sya naabutang ganyan kabata, tapos, ang manly naman ni the rock sa image na ‘yan. may batu-bato sya talaga at sexy, ha? ahaha…

    teka, ba’t naman panghuli ang papa kong si john travolta? naman… sabagay, hindi syang pang-action talaga, e, pang-ibang setting sya. sa mas intimate, ahaha.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s