Top Ten to be a good employee

Kasunod ito sa last post ko sa Top 10 tips iwas puna sa boss, pero sa post kong ito ay ang tamang asal at pakikitungo sa trabaho para maging mabuting empleyado at pwedeng ka pang ma promote.

Hindi naman dapat sumipsip sa boss kung gusto mong tumagal sa trabaho at umasenso.

  1. Tangapin na empleyado ka – unang una sa lahat dapat mong isakaisipan na isa kang dakilang empleyado na hindi magiging milyonaryo sa pagiging empleyado lamang, kung balak mong maging super yaman o maging milyonaryo, ang masasabi ko sa iyo ay iisa lang, mag resign ka na at mag negosyo na lang para matupad ang pangarap mo. Wala pa akong nakitang empleyado na nagging milyonaryo kung tapat ka sa kumpanya.
  2. Maging masaya sa trabaho – kung tanggap mo na isa kang dakilang empleyado, dapat maging masaya ka sa trabaho mo, alam ko na madaming komplekasyon sa buhay at sa trabaho, ngunit kung hindi ka masaya sa trabaho mo, dalawa lang ang kinalalabasan niyan, una hindi ka magtatagal sa trabaho mo at pangalawa mamamatay ka ng maaga dahil sa sama ng loob.
  3. Do not work hard, you work smart – yan ang aking motto sa trabaho, hindi sa tamad ako o hindi nagpapahirap sa trabaho, kailangan isipin muna ang mga galaw mo kung papano mapabibilis at mapa epektibo ang gawain mo sa opisina man o saan man yan. Yun ang tawag nating “diskarte” sa English “qualitative talent”
  4. Don’t be late – lahat naman tayo nalalate paminsan minsa, huwag lang yung 2 times a week kang late, tandaan lang ang katagang ito “you respect other people’s time”. Malalim ba? Di naman, ang ibig sabihin nun ay mahiya ka naman sa ka opisina mo at maaga siyang pumapasok at ikaw ay late palagi, pabayaan mo na si bossing kung siya ay late, ikaw na kaya maging boss?
  5. Avoid being absent – sabi nga sa commercial “bawal ang magkasakit” kahit dito sa UAE mahirap din ang magkasakit, lalung lalu na kung mag isa ka dito. Kung palagi kang sakitin isa lang ibig sabihin nun, iwasan ang yosi, ang gimik sa weekdays at matulog ng maaga.
  6. 6.    Siguraduhin ang trabaho – mahirap mapuna ng boss, kung may mali sa grammar mo siguraduhin mo tama sa next na titignan niya ang report mo, lalung lalu na ang computations, exact science ang math kaya wala kang lusot.
  7. Use a log book or diary – pwede naman sa outlook o sa cellphone, basta may reminder ka o “things to do” mo sa araw na yun para efficient kang masasabi.
  8. Huwag magsalita ng pangit sa kumpanya – katulad ng sinabi ko sa una kong tip, mahirap magsalita ng hindi maganda sa management ng kumpanya, simple lang ang solusyon dyan, una, kausapin ng mahinahon ang management at sabihing ang hinain, o pangalawa umalis ka na lang sa kumpanya kung ayaw mo palakad nila.
  9. Iwasan ang mag internet, mag text o maki tele-babad – self explanatory na siguro ito ano, (huwag gumaya sa akin at habang nasa opis ako nagyon ay ginagawa ang post na ito)
  10. Ang pinaka huli sa lahat ay palaging may kusa at hindi pusa – kailang pakita mo na concern ka sa trabaho mo, may dedikasyon ka at sinisigurado mo ang kapakanan ng kumpanya.

Walang masama sa nabanggit ko, yan ay pawang epektibong paraan para hindi mainis ang boss mo sa iyo at hindi ka rin maiinis sa boss mo, gaya ng sinabi ko sa una, dapat tanggapin mo na isa kang dakilang manggagawa. Kung gusto mo ng medyo malaking kita mag OFW ka kung kaya mong mahiwalay sa mahal mo sa buhay.

 

3 Comments

Filed under Top 10

3 responses to “Top Ten to be a good employee

  1. I agree with the points! Yun pala yung english term ng diskarte, heeehee. Thanks, I learned something new.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s