Top 10 tips para iwas puna sa boss – Part 1

Ang top 10 kong ito ay isang serbisyong tutoo para sa may desk job na kung minsan wala silang ginagawa at kailangang magmukhang busy para hindi mapuna ng boss.

 

  1. Palaging may hawak na documento kapag kausap ang boss – kahit anong ek-ek pang papeles yan basta hawak mo para Makita ng boss mo na busy ka kunwari. Siguraduhin lang na work related yung documento mo baka mabisto ka.
  2. Tumipak sa computer – eto maganda dito, nakaka blog ka na at facebook at chat pero mukhang nag tatrabaho ka ng tunay at wagas. Huwag lalimutan ang ”Alt-Tab” move
  3. Makalat na mesa – kapag nakikitang makalat ang mesa mo ibig sabihin busy ka, kaya huwag magligpit ng todo
  4. Magbukas ka ng mga files at mag arrange ng file – isang mainam na illusion, para kang si David Blain or David Copperfield at magic ang ginagawa mo.
  5. Magtanong sa ka office mate related sa trabaho kahit alam mo na – siguraduhin mo lang na nakikita o naririnig ng boss mo ang tanong mo, sigurado plus one ka agad. Babala huwag lang magtanong na magmumukha kang tanga, isipin mabuti ang tanong.
  6. Maiwan ng konti sa office – kahit konting minuto lang, lalung lalu na kung nandyan ang boss, hindi nya namamalayan na dinedenggoy mo sya.
  7. Mag mukhang busy sa telephono – pagalitan mo supplier ninyo o kaya follow up ka ng report o anu man yun, again dapat medyo naririnig ng boss at may sense ang pagtatanong.
  8. Iwasan ang coffee break – tutal diet ka naman at nakaka nerbiyos ang kape, pasimple lang at huwag mag babad sa pantry.
  9. Dress properly and seat properly – kapag nakita ng boss mo na mayos ka at diretso ang upo, maiisip niya na nagiisip ka nga at may kakayahan kang magi sip
  10. At ang pinaka final tip ko ay… huwag pabasa ang post kong ito sa boss mo.

Tandaan, mahirap maghanap ng trabaho ngayon, madami parin nalalay-off kaya mag mukhang busy palagi.

3 Comments

Filed under Top 10

3 responses to “Top 10 tips para iwas puna sa boss – Part 1

  1. the best ‘tong sampung tips na ‘to at madalas sa madalas, ganito rin ang ginagawa ko. haha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s