Top 10 Dapat Iwasang Gawin ng isang OFW sa UAE

Image was taken from: Amphitrite's Magickal Muse

Napatawa ako sa post ni Jepoy tungkol sa buhay OFW at bilang isang dakilang OFW sumasang ayon ako sa mga sinabi niya, tunay na magaling ka sa obserbasyon ka Jepoy.

Kaya ko naisipan gumawa ng listahan ng top 10 na dapat iwasang gawin ng isang OFW sa UAE.

  1. Iwasan ang Credit Card, kung hindi ka naman kapos sa budget at hindi late ang sahod mo, pwes huwag ka ng mag Credit Card. Hindi porke may pambayad ka ay kailangan mo ng credit card, hindi tutoo na sosyal ka kung may credit card ka, sa tutoo lang mahirap ang tukso kapag may credit card ka. At kung may credit card ka na, tago mo na lang sa cabinet, para kung talagang kailangan mo doon mo na lang ito ilabas, bukod sa malaki ang interes, maeengganyo ka pang gumastos na wala sa oras.
  2. Iwasan ang bumili ng kung ano anong gadget, sa tutoo lang tempting talaga ang mga bagong gadget, kailangan mo ng Iphone, balckberry o kaya Ipad, ang tanong ko lang ay kung kailangan mo ba talaga ito? Siguro ang ang laptop ay oo pa, dahil ito ay isang importanteng kasangkapan para makapag usap sa minamahal at pwede ka pang manood at mag download ng movies para hindi ka ma homesick. Mas mabuti pang bumili ng ginto at pwede mo itong ma benta ulit o ma sangla.
  3. Iwasan ang mangutang at mag pa-utang, hindi dahil masama kang tao o kaya saksakan ka ng kuripot, madami na akong nakitang pinoy dito na nagpa-utang kay kabayan, ayun kabayo ang nilabasan, takbo si kabayo este si kabayan, madami na rin ang nangutang sa bangko at biglang nawala ang trabaho, ayun nakulong o kaya takbo din sya pauwi at hindi na makakatungtong sa UAE.
  4. Iwasan ang away at gulo, alam naman natin na wala tayo sa sarili nating bansa, kaya huwag sapakin ang boss mo, pagdasal mo na lang na mamatay na lang siya (joke), tandaan mo may karma at may kulong.
  5. Iwasan ang pagmamaneho ng lasing, bibihira lang ito, sa mga may sasakyan lang angkop ang payo kong ito, (oo nga naman ano) madami nakulong na pinoy dahil sa pagmamaneho ng lasing, akala nila siguro nasa pinas pa sila kaya ayun sa rehas nakayakap sabay deport pa ang iba.
  6. Iwasan ang hindi magpadala sa pamilya mo sa pinas, alam mo at alam ko at alam nating lahat kung bakit tayo nag abroad.. di ba?
  7. Iwasan ang mag isip ng malulungkot, oo tutoo ngang minsan ang hirap bumangon sa higaan dahil naiisip mo ang birthday ng anak mo, mabigat ang loob mo dahil pasko na naman at wala ka sa piling nila, buti na lang may internet at pwede kayong mag chat at isipin mo na lang na darating din ang panahon at magkikita kayo ng pamilya mo. Tunay na tayo ay mga tao lamang at may pangangaylangan din ang ating katawang lupa, kaya nga may kamay tayo at pok-pok di ba? Para hindi ka malungkot mag join ka sa isang church group, sumali ka sa isang sports event o kaya maghanap ka ng mabubuting barkada. (take note sinabi ko mabubuting barkada, hindi yun isasama ka sa hukay) 
  8. Iwasan ang pakikiapid, tunay at tutoo na mahirap gawin ito lalung lalu na kung mag-isa ka sa ibang bansa. Sa UAE bawal ang ganitong relasyon kaya konting ingat.
  9. Iwasan ang mahuli ng asawa, kung hindi mo talaga matiis, huwag kang pahuhuli at siguraduhan mo na palaging kumpleto ang pinapadala mo sa pamilya mo walang labis walang kulang, siguraduhin mo rin na malinis ang text message mo at facebook account mo, please lang. (ahh syanga pala kapag nahuli… huwag na huwag aamin)
  10. At dahil hindi ka nakapagpigil, isa na lang ang iwasan mo. Iwasan mong maka buntis o mabuntis, gagawa ka rin man lang ng katarantaduhan, huwag mo ng idamay ang inosenteng bata, kawawa naman siya.

Ang mga payomg ito ay base sa aking nakikita at obserbasyon, hindi ito nag-rereplek sa tunay kong buhay at kung sino man ang tamaan… tabi tabi na lang.

7 Comments

Filed under Top 10

7 responses to “Top 10 Dapat Iwasang Gawin ng isang OFW sa UAE

  1. hi, kiko.

    like ko ang post except the way you put something sa number seven (7). anla, hinay-hinay sa formulation, kapatid…🙂

  2. The Gasoline Dude

    Great list man! Lahat ay merong sense. It’s good to have good friends around, ‘yung maganda ang influence sa atin, pero I also value my “aloneness” kasi diyan ako nakakapag-isip at nakakapagnilay-nilay.

  3. hahaha pasok na pasok sa banga parekoy🙂

  4. yourstar0701

    I’ll take note of that. Thank you for this information! A big help for a first timer like me. :))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s