Same Shit Different Day

Hindi ako sumali sa pakontes ni Mr. Loi, dahil shy na me (joke) ang tutoo medyo busy me sa trabaho kaya naka apat na post ako sa loob ng limang araw. Ngunit dahil isa akong maugat na tagahanga ng blog ni ka Loi at may ma-meme lang ako, eto ang version ko ng SSDD mantra ng ating kablog na si Loi.

Same Shit Different Day

Taong 2005, sa bansa ng UAE, halos 5 taon paulet ulet kong tiniis ang sumusunod

Tuwing Lingo hangang Huwebes, alasais ng umaga ako ay gigising sa aking cellphone na maingay ang tunog, tigas na tigas ang maugat kong etits hindi malan kung ano gagawin, kung paiiyakin ba o magmadaling maligo at magbihis para pumasok sa trabaho. Pagtayu mo may naliligo pala sa banyo, patay si Turling pala ang naliligo, ang walanghiya, isang oras maligo ang hinayupak na ito, dahil siguro may kasamang pagtitikol kaya siya matagal, ..kato katok .. “hoy Turling bilisan mo dyan jingle na jingle na ako”, “matagal pa ako 4 some ang nasa imahinasyon ko” eto lamang ang bungad ng malibog na Turling, wala ka ng magawa kung hindi maghanap ng bote ng 1.5 litre na softdrink at doon umihi, sa tutoo lang ang hirap umihi sa nakatayong manoy, gusto mo pang bumaligtad para lang makaraos.

Tuwing Lingo hangang Huwebes, alas siete ng umaga ay dapat nasa bus stop ka na kung hindi late ka na sa pag pasok. Buti na lang may magagandang kabayan kasabay at napapa hay ka sa buhay.

Tuwing Lingo hangang Huwebes, mula als otso ng umaga hangang alas singko ng hapon, mag hahanap buhay ka na, masasabi mo na maswerte ka parin dahil may hanap buhay ka, yung iba dyan ang trabaho ay hanap patay dahil ahente sila ng kabaong.

Tuwing Lingo hangang Huwebes, alas singko emedya na, uwiian na, simula na ng wrestling at walkathon, bakit kamo wrestling? Pwes ikaw ba naman ang makipag siksikan sa punuan na bus na sing bango ng septic tank, at bakit walkathon, kapag taga UAE ka at wala kang kotse alam mo ang ibig kong sabihin.

Huwebes ng gabi, kakain ng hapunan at nagparandaman ang mga kasama sa bahay, alam nila at alam ko na inuman na kaya lang kung sino ang unang magyayayang uminom yun ang hinihintay.

Biyernes, ala una ng madaling araw, laseng na at wala na sa katinuan, tulog lang ang katapat, natapos din ang isang lingong hanap buhay.

Biyernes, alas dose ng tanghali, magriring ang cellphone at si esmi ang tumatawag, “hoy bakit hindi ka pa online” yan ang unang bigkas niya, sagot ko naman “mabuti naman ako, salamat sa pag alaala, magbibihis lang me at bigyan mo ako ng 30 mins para makarating sa internet Café” yan ang tugon ko sa mahal kong esmi. (aabutin ako ng gabi sa chat at uuwing malungkot dahil nakita ang mga anak at si esmi, tulog ulet pagkatapos kumain)

Sabado, umaga, magsimba mag pasalamat kay Lord, at may hanap buhay ako at hindi hanap patay.

“And the cycle of life continues”

3 Comments

Filed under All about blogging and bloggers, Life as we know it

3 responses to “Same Shit Different Day

  1. natawa ako pag Thursday inuman kagad ang mga nasa isip tlga. ako, tuesday pa lng may mga invitation na hehehe kaso pagdating ng thursday makikita ko sarili ko nakauwi na ng bahay at nakapambahay na ng punit punit na tshirt at iniinjoy ang pagkakahiga sa bed at panood ng TV.

    sabi lagi sakin ni Nanay, mas makakaiwas daw ako sa kung anumang disgrasya pag nasa bahay lang ako hahahaa

  2. I can relate to this post… Typical routine ng buhay UAE… Kakasawa kung iisipin mo pero kailangan natin mahalin ang nagpapakain sa pamilya natin🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s