Mga unforgetable boss

Sa tanda kong ito madami na rin akong naging boss, ang iba ay naging mentor ko na ang iba ay hanggang ngayon ikinasusuklam ko pa hangang ngayon, umpisahan natin sa simula ang mga naging boss ko at tignan kung may naging katulad kayong boss na ganito.

  1. Ang masipag na boss (nasa pinas pa ako), eto ang boss na hindi na lalate, maaga pa sa empleyado, itong boss kong ito ay masasabi ko na isa sa mga naging mentor ko, marunong siyang makipag diplomasya sa tao at maganda ang karisma, hindi siya madamot sa mga impormasyon at tuturuan ka niya lahat ng nalalaman niya.
  2. Ang bading kong boss (nasa pinas pa ako), hindi ko nalaman na bading pala ang boss kong ito, pagkatapos ng ilang taon bago ko nalaman na bading pala ang mokong, dahil sa naka relasyon yung isang guardya namin, ewan ko kung dahil isa syang binababe, pero masyadong madaldal ito, showbiz ika nga, politika ang pina iiral at madamot sa pagtuturo.
  3. Ang lasengong boss (nasa pinas pa ako), eto ang boss ko na akala ko ay matinong boss, hindi dahil pareho kaming mahilig sa alak kundi dahil sa magaling sya sa talakayan at mga diskusyon, lumipas ang mga panahon ay nagsara ang kumpanya dahil sa mga maling desisyon niya, kahit paano may natutunan ako sa lasenggong boss kong ito, at ito ay ang magaling sa technical na panunulat.
  4. Ang walang alam na boss (nasa UAE na ako), sa totoo lang hindi naman sa wala talagang alam ang dalawang boss kong ito, kaya lang ay walang experience sila sa kanilang posisyon, isa lang ang dahilang kung bakit sila naging boss, ito ay dahil puti ang balat nila, gaya ng mga nakaraang post ko, nabangit ko na kung puti ang balat mo at mas mataas ang sahod mo kesa sa asiano, isa lang ang natutunan ko sa dalang boss kong ito at ito ay ang magaling mambola yun lang.
  5. Ang insecure na boss (nasa UAE na ako), dahil siguro dambuhala ang boss kong ito at dahil siguro sa lahi niya, masyadong insecure ang taong ito, sa ayaw mo sa gusto mo maghahanap ng mali ang kumag para lang masabing magaling sya, lalung lalu kung nakaharap kayo sa ibang tao, pamumukha niya sa iyo na magaling siya at maghahanap ng ultimong maliit na butas para ipakita sa tao na mali ka at siya ang tama, isa lang ang ginawaga ko sa mga boss na ganito, utuin ng todo, palagi mo siyang hangaan at bigyan ng compliment, palagi mo siyang tawaging “boss” para lalung tumaas ang ihe niya, makikita mo at mababawasan ang pagiging kupal niya.
  6. Ang ahas na boss (nasa UAE na ako), ito ang pinaka delikadong boss na naranasan ko, akala mo ay mabait at maasahan, kapag nagka buliyaso na ikaw ang ituturo sa management. Isa lang ang dapat gawin sa boss na ito at ito ay ang layasan mo na lang.
  7. Ang ideal na boss (nasa UAE na ako), ito ang masasabi kong mentor ko, dahil hindi siya sumisigaw o madaling magalit, mahinahon magsalita nakikinig sa bawat bersion ng istorya, nakikinig sa mga suggestion ng iba at loyal sa kumpanya. Patas sa mga tao at dahil dito ginagalang siya. Seasoned boss kung tawagin siya dahil hindi mo ma-uuto at alam niya kung bullshit lamang ang sinasabi mo.

Madami pa akong naging boss pero eto ang tumatak sa akin, dahil sa kanila ay masasabi ko na mapapabuti ko ang aking trabaho at alam ko ang hindi ko dapat gawin at dapat gawin kung ako na ang boss.

2 Comments

Filed under Life as we know it

2 responses to “Mga unforgetable boss

  1. feeling ko si boss #5 at #6 ay pareho ng bansang pinagmulan, baka nga kalahi pa ng boss namin dito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s