Dekada 90

Madalas akong mapadpad sa blog ni NoBenta, isa sya sa paborito kong sa blogasphero kana naisipan kong ilathala ang mga karanasan ko sa dekada 90.

Ang dekada nobenta, eto na siguro ang pinaka memorable na dekada sa buong buhay ko, bakit? dahil sa mga sumusunod.

  1. 1990 ako nag umpisa sa collage, 1st time akong naging malaya sa dahilan noong nasa high school pa ako ay magmula 7:30 am hangang 5:30 pm akong nasa eskwelahan at bawal ang lumabas ng eskwelahan bago 5:30pm.
  2. Sa dekadang ito ako natutong uminom at manigarilyo, good boy ako noong high school ako, pero hindi ibigsabihin na bad boy ako sa kolehiyo, dahil sa natamong kalayaan at mga bagong kaibigan, nalaman ko na masakit pala ang hang-over at isusumpa mo pala ang alak kapag nag susuka ka na ngunit hahanapin mo ito ilang araw lang.
  3. Sa dekadang ito nawala ang aking pagka birhen, oo kuya Cesar, naalala ko pa, walang awang binayo at inangkin ang aking pagka inosente (echos), nalaman ko na may sasarap pa pala sa pagtitikol.
  4. Sa dekadang ito ako at nagka sasakyan, hindi naman kami mayaman at hindi naman kami pulubi, hindi naman kotse ang sasakyan ko kundi isang owner type jeep na minana ko pa sa aking tatay, masarap kung tutuusin ang magkaroon ng sasakyan, malapitin ang mga chikababes sa iyo kahit karag karag lang ang sasakyan mo.
  5. Sa dekadang ito ako natutong makinig sa musika, nakahiligan ko ang musika sa panahong ito, dahil siguro wala pang internet noon at FM radio lang ang pinakikinggan mo, paborito mong DJ si “Triggerman” ng top 20, palagi nakatutok sa NU 107, nahiligan kong makinig sa Heavy Metal band, katulad ng Guns & Roses na hanggang ngayon ay pinatutugtog ko pa rin sa aking kotse, ang Metallica at Nirvana, kasama na dito Aerosmith, Poison, White Lion, BonJovi at Deppleopard. Di ko rin matatangi ang mga pinoy rock bands na Wolfgang, Rizal Underground at The Dawn di rin makakalimutan ang pop bands na After Image, Introvoys , Earaserheads at Side A.
  6. Sa dekadang ito rin ako nagkaroon ng syota, sabihin mo ng late bloomer ako at chope sa babae, pero sa panahon na ito ako nagkaroon ng lakas ng loob manligaw.
  7. Sa dekadang ito ako nakatapos ng kolehiyo, masayang ang makatapos ng kolehiyo at masayang maghanap ng trabaho noon, sa tutoo lang noong dekada 90 ay mas madali ang maghanap ng trabaho sa pilipinas.
  8. Sa dekadang ito ako naging responsable sa buhay, kahit binata pa ako at nagaaral pa, naging responsable ako sa buhay dahil na siguro sa wala ang tatay ko at nasa ibang bansa.
  9. Sa dekadang ito nakilala ko ang aking mga tunay na kaibigan na hangang ngayon ay tunuturing ko pa ring mga kaibigan, sila ang mga ninong ng aking panganay at inaanak ko naman ang kanilang panganay.
  10. At higit sa lahat dito sa dekadang ito ako nag asawa at nag ka anak, wala ng hihigit pa ang saya at pagiging kumpleto ko bilang tao sa panahong ito, kahit may pangamba pa ng Y2K sa huli ito na siguro ang isa sa pinaka masayang parte ng buhay ko.

Kung pagbibigyan ako ng Diyos at tatanungin kung anong dekada ako pwedeng bumalik, walang kurap na sasabihin ko na sa dekad 90 ako babalik at wala akong babaguhin sa dekadang ito. Sa dekadang ito nabuo ang pagka-tao ko.

Leave a comment

Filed under Top 10

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s