Kapuso, Kapatid, Kapamilya

Kapag nasa ibang bansa ka, nawawala ang iyong homesick kapag nakakapanood ka ng mga pelikulang Pilipino o kaya naman makakapanood ka ng pinoy channels, dito sa UAE dalawa lang ang filipino channels ang available, ito ang TFC (ABS-CBN) at Kapuso (GMA) na sa OSN ang nag proprovide.

Noon pa kapuso na ako, dahil siguro galit ako sa mga Lopez at hindi ako fan ni Sharon, Kris at si papa Piolo. Solid kapuso ako ika nga. Ngunit noong nagbakasyon ako sa Pinas, napanood ko ang bagong umuusbong na istasyon ito ang TV5 na Kapatid Network. In-fairness may magaganda silang programa, mayroon palabas na ang pangalan ay USI ni papa Paulo B. at yung R U kidding me ni Bossing, Face to Face ni Amy P., at ang balita nila. Ang hindi ko lang gusto ay yung kay Willie na will time big time, may pagka anti-willie revillame kase ako, ayoko sa mga mayayabang gusto ko ako lang ang mayabang.

Madami din ang lumipat bakod at mga naglalagareng artista doon, kaya para kang nanonood ng kombinasyon kapuso at kapamilya, saan ka pa di ba? nasabi ko tuloy sa aking sarili na sana may international channel na rin ang TV5. Pagbalik ko sa UAE laking gulat ko na mayroon na nga TV5 international at ang ganda pa nito libre ito na kasama ang kapuso channel, kaya laking tuwa ko at madadagdagan ang mga paborito kong channels sa TV. Dahil dito laking pasalamat ko kay MVP, ikaw na! ikaw na ang may vision, tutoo nga ang sinasabi tsimis sa akin ng mga katoto ko na magaling ka daw pumili ng papa empleyado at workaholic ka daw, siguro tutoo nga.

Ano ang mga ayaw ko TV5 ?

  1. May asungot, walang iba kungdi si Willie R.
  2. Masyadong OA (over acting) ang mga nagbabalita, parang galit kung mag report, naalala ko tuloy si Yoyong Marterez sa mga pelikula ni Bossing.
  3. Mayabang si Martin Andanar, di naman ganun ka pogi at katalino kaya please lang bawasan ang ka-angasan sa TV.
  4. May isa pang asungot.. si Cristy Fermin, hindi ko alam kung bakit nabubuhay pa itong hayop na ito, sabagay dapat may mascot sa TV
  5. Kinuha si Baron Manyak! hindi pa ba sapat si Willie sa TV5 at dadagdagan pa ba ng isa pang ungas na Baron Manyak! ok lang sana kung si Cristy Fermin ang hipuan.

Ano ang gusto ko sa TV5?

  1. May bagong pagpipilian na pampalipas oras
  2. Nandun sina Bossing at Joey
  3. Nandun din ang mga ilang magagaling na artista tulad ni Manoy, Pidol at iba pa
  4. Libre
  5. Magaling ang bigg boss nila (more power MVP)

Sa balibalita sa ating mga kababayan dito sa UAE, madami na ang naglipatan sa OSN at nag bitiw na sa TFC at Evision (ang ibang cable network) dahil mas maganda ang offer ng OSN

Kailan kaya mgakakaroon ng IBC 13 sa UAE?

4 Comments

Filed under All about blogging and bloggers, Entertainment Daw

4 responses to “Kapuso, Kapatid, Kapamilya

  1. Hindi ako mahilig manood ng TV, pero malapit sa akin ang TV5… dahil nasa Novaliches ang station nila at nakatira ako sa Novaliches. LOL!

    Naging bossing din namin dati si MVP.🙂

  2. hamo,kiko,manonood na nga ako sa channel 5. este, magnonood nga ako ng tv, hehe… hindi ako gaanong mahilig sa tv,paminsan-minsan lang,nakikigaya, nakikinood. ayon…

    happy viewing sa ‘yo… 🙂

  3. AANTAYIN KO ANG TALENTADONG PINOY ANG NUMBER ONE TALENT SHOW SA PINAS WITH RYAN AGONCILLO

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s