Blogger of the month of August 2011

Mahilig akong magbasa ng travel blog man ito or travel show, pangarap ko kaseng mag biyahe ng todo todo, kaya lang dahil kailangan maghanap buhay at kumita para sa love ones bihira ako at pamilya ko magtravel, kaya nagtyatyaga na lang akong mag basa at pumunta sa mga travel blog. Sa totoo lang isa lang naman ang sinusundan kong travel blog at ito ay si…

Nomadic Pinoy.. ano ibig sabihin ng “Nomadic” ayos kay pareng webster – “wonderer” o “moving from place to place rather than staying in one place”

Ano ang mga katangian na nagusto ko kay NP?

1. magaling siyang mag kwento, tama at simple lang ang gramar niya, bagamat ingles ay okey na rin at hindi naman dumudugo ang ilong ko, 

2. magaganda ang photos niya, sa alam ko hindi sya proffessional photographer pero alam niya kunin ang “moment”, 

3. hindi mahahaba ang mga kwento niya, ayaw ko kase yung mga travel blogs na ubod ng detalye na ultimo pag jejebs ay kinukwento niya,

4. tama ang details niya, ang lokasyun at very informative at magaganda ang tips and yet simple,

5. at pinaka gusto ka sa travel blog niya ay – wholesome, oo walang ka porn porn at hindi lang pang isports pang pamilya pa.

Sa tutoo lang naiingit ako kay NP, mahigit 30 bansa na ang nalilibot niya, kaya madami ang sumasagi sa aking pentium 2 na utak, katulad ng siguru mayan ang damuho, siguro binata pa ito, siguro galing sa de buena pamilya, o kaya naman siguro kamag anak ni Lucio Tan kaya malake discount sa Philippine Airlines.

Anyway, binabati kita at pinasasalamatan ginoong NP dahil sa iyo para na rin akong nakapag biyahe sa ibat ibang lugar.

 

 

 

 

2 Comments

Filed under All about blogging and bloggers

2 responses to “Blogger of the month of August 2011

  1. Favorite ko rin yung blog ni Nomadic Pinoy. Tama lang sa timpla ang travelogue nya. Saka 100% agree ako sa comment mo na nakukuha nya yung right moment sa mga photos nya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s