Naalala ko pa… (karugtong ng Top 10 na ganito kami noon ganito kayo ngayon)

 

Naalala ko pa noong bata ako ang tanging laro sa amin ay tumbang preso, patintero o taguan, di tulad ngayon ang mga ank ko ayn naka online games, PSP, DS at kung ano ano pang high tech na pambahay na laruan, din a ata marunong tumakbo ang mga anak ko at baka madapa sila sa pagtakbo.

 

Naalala ko pa kapag sususlat ako sa aking tatay gumagamit ako ng papel at ballpen, ngayon computer na ang kailangan, ditto siguro ako nabobo sa spelling, dahil sa automatic na grammar check

 

Naalala ko pa noong bata ako, walang jollibee, macdo, chowking o kayay starbucks, sa karenderya ni apung Apaz lang ang miryenda at saging o kamote na nilaga ang mirienda na may kasamang sama-lamig.

 

Naalala ko pa noong ako ay binata kapag kami ay nagkikita ay dapat planado, sa harap ng simbahan mga 10:00 am hangang 10:30 am ang hindi dumating sa tamang oras ay maiiwan.

 

Naalala ko pa kapag dumarating ang voice tape galing kay itay, kaming lahat ay uupo sa sala para makinig sa mga kwento niya.

 

Naalala ko pa ang pag ligo naming sa ilog at pag takbo sa taniman ng palay, wala ng ilog at wala ng palay, puro subdibisyon na lahat.

 

Naalala ko na simple lang ang buhay noon, manood lang kame ng flor de luna ay ayus na, nagyon ang daming gimik sa TV, may kasama pang pa-contest sat ex.

 

Naalala ko pa noon kapag nano-nood kami ng PBA, puro pinoy ang player maliban sa mga import nilang negro, ngayon wala na atang pinoy at puro ibang lahi na, may pinoy bang Asi Taulava ang pangalan? Heller?

 

Naalala ko pa noon hindi mo kailangan ng cellphone para mabuhay, ngayon mamamatay ang tao kapag walang cellphone.

 

Naalala ko pa na sa biente pesos ay makaka tanghalian ka na, ngayon baka miryenda ay kulang pa.

 

Bakit ako bumabalik sa nakaraan?

 

Wala lang, magandang bumalik sa nakaraan para Makita mo ang mga magagandang katangian ng nakaraan at simple pa ang buhay, mapapatawa ka at mag-iisip at mag tatanong. Kailangan ba nating ang mga bagong kagamitang ito?

 

3 Comments

Filed under Top 10

3 responses to “Naalala ko pa… (karugtong ng Top 10 na ganito kami noon ganito kayo ngayon)

  1. hello, kiko…

    ito yata ang pinaka-gusto ko: “di na ata marunong tumakbo ang mga anak ko at baka madapa sila sa pagtakbo.”

    saka ‘yong ang hintayan ay sa may labas ng simbahan, ahaha! musta you?🙂

  2. o.k. naman me, he he he oo nga napaka athletic ko noon, ngayon ang mga bata walang excercise, puri na lang electronic games ang inaatupag.

  3. hello, kiko.

    ano ‘yon…pati ikaw, nakikibiro sa akin ng kung ano. hwag gano’n. pwede mo akong tanungin sa email. sasagutin kita. isa ka ro’n sa bloggers na ni hindi ko alam ang pangalan pero gusto akong pagkwentuhin ng walang wenta’t wento kong lablayp. sa site pa, ahaha. naman…

    kawawa naman ‘yong tao, moment nya, nasira. dahil lang daw sa language na ginamit ko sa post, nag-isip na sila ng connections. mahilig pala talaga sa personalan ang ka-blogs?

    hmmn… i don’t go for that. pag magpapahubad, dapat maghuhubad din ang naghuhubad, figuratively speaking. di ba? di ba? ang kulit nyo, ha… 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s