Top 10 na ganito kami noon ganito kayo ngayon

 

Noon:              Magkita sa isang lugar

Ngayon:          Tex tex na lang kung saan tayo magkikita

 

Noon:              Magpadala ng telegrama o sulat

Ngayon:          Email na lang kita o message sa facebook   

 

Noon:              Mag voice tape sa naka abroad

Ngayon:          Video chat tayo sa YM o sa SKYPE

 

Noon:              Gumawa ng slam book imbitahan sumulat ang mga kaibigan sa slambook

Ngayon:          Pa-add naman sa facebook at twitter ha

 

 

Noon:              Punta tayo sa sastre para pagawa ng damit

Ngayon:          Punta tayo sa SM, Robinson o kaya log on ka sa Ebay para makabili ng damit

 

Noon:              Ang mataba ay malusog

Ngayon:          Ang mataba ay obese at hindi malusog

 

Noon:              Tara mag research tayo sa library

Ngayon:          Tara sa internet café para mag research

 

Noon:              Tara sa labas at maglaro tayo

Ngayon:          Tara sa kwarto at maglaro tayo ng Play Station, Xbox o nintendo 

 

Noon:              Punta tayo sa park para makapamasyal

Ngayon:          Punta tayo sa mall para makapamasyal

 

Noon:              Ang mga magnanakaw ay nasa kulungan

Ngayon:          Ang mag magnanakaw ay nasa gobyerno

 

Ang laki ng pagkakaiba ng buhay natin noon kesa ngayon hindi po ba? Madami pa akong maisip pero hindi ko na lang linagay dyan, kamukha ng babaeng iba iba ang partner, nooon tawag nila ay malandi, ngayon ay liberated na.

 

Gumanda ba ang buhay natin ngayon kesa noon? Sa tingin mo? Kung communikasyon ang usapan maaring oo, sa isang iglap ma-aabot mo na ang iyong mensahe sa isang tao na napaka layo. Ngunit tungkol naman sa moralidad, ewan ko lang, ang alam ko lang mas madaming single parent ngayon kesa noon.

 

Last na lang:

 Noon:              Sumulat sa isang diary sa mga nagyayari sa buhay mo

Ngayon:          Gumawa ng BLOG! Yun o!

2 Comments

Filed under Top 10

2 responses to “Top 10 na ganito kami noon ganito kayo ngayon

  1. ah, ba’t dalawang beses nag-apir ang gtavatar ko sa like? ang kulet… ano’ng balita, kiko?🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s