Pinoy sa UAE, isang maikling kwento

Kalian ba dapat ipagmalaki ang pinoy at kailan ba dapat ikahiya ang pinoy ?

Sa nakalipas na mga taon na nalagi ako dito sa UAE, ibat bang tao na ang nakilala ko lalu na ang pinoy ibat iba na ang nakilala ko. May pinoy dito na “wholesome”  ibig sabihin ay nandito pamilya at at masaya kasama ang mga bata at asawa, meron naman dito buhay binata kahit alam natin sa edad ni tatang ay may asawa na at apo pa. Meron din naman pinoy dito na sosyal, hindi masyadong nakikihabilo sa pinoy at madalas sa ibang lahi ang kasama, dahil na siguro sa ibang lahi ang asawa. Meron ding pinoy dito na naligaw ng landas at katawan ang puhunan at meron ding pinoy dito na tunay na maka Dios at sila ay nasisilbi sa simbahan.

Ang tanong ko sa sarili ko at sa inyo mga katoto, Kalian ba dapat ipagmalaki ang pinoy at kailan ba dapat ikahiya ang pinoy?

Nabangit ko ito ay dahil isang gabi, nasa isang club ako sa Abu Dhabi para maglaro ng darts, may pa tournament kase ang mga pinoy at ibang lahi dito sa darts, pagdating naming sa club kaagad tanong ng manager ng club kung hindi pa kami oorder na para bang wala kaming pera at kami maglalaro lamang, hindi namin pinansin ang manager at sinabihan na oorder din kami kapag umpisa na ng tournament. Lumapit ang manager sa isang pinoy na naka upo sa bar at pagkatapos ng ilan sandali may dumating sa aming dalawang pitchel na beer, tanong naming kung saan galing ito, ang sabi ni kabayan na waitress ay kay kuya po, at sabay turo sa pinoy na naka upo sa bar. Hindi ko lubos na maisip kung bakit kami binigyan ng dalawang pitchel na beer kaya’y ako ay lumapit at nagtanong, “Sir, salamat sa beer, ano ang okasyon at naglibre ka ng beer”, ang sagot ni kabayan ay “wala lang sir, ok lang yan”, hindi ko lang matanong kung may kinalaman ba ito sa naggaggalaiting manager ng club na kanina pa kami pinagiinitan dahil hindi pa kami umoorder ng beer. Kaya naitanong ko sa sarili ko, ganun na ba tingin ng kabayan natin sa atin at mukha tayong walang pera at ayaw niyang mapahiya sa kaibigang ibang lahi? Hindi naman siguro ang sagot ko sa aking sarili. Nagtuloy tuloy lang ang kwentuhan naming ni kabayan at nagkaalaman kami ng pangalan at trabaho, nabangit niya na dati daw siyang darter (dartero) ngunit ngayon ay golf na lang ang nilalaru niya, sabi pa niya mas ginusto niya ang golf ngayon dahil daw sa dart isa o dalawang oras kayo naglalaro eh isang daang dirham lang ang napapanalunan niya habang sa golf daw e sa isang araw nananalo siya ng bente mil na dirham. Kaya’y nag isip ang inyong ka kiko, teka teka mukhang ikinahiya nga kami ni kabayan dahil hindi kami kaagad umorder ng beer, pero bakit kami kahihiya kung mag oorder naman din naman kami at ang porma naman naming ay hindi jologs.

Sa palagay ninyo sino dapat ikahiya mga katoto? kami na huling umoorder o yung nuknukan na yabang na kabayan na nahihiya sa ginawa namin. Walang masyadong kwenta ang post kong ito nababanas lang talaga ako sa ibang kabayan natin na nananalo sa golf ng 20,000 Dirhans sa isang laro. Pero salamat sa beer, beer pa rin yun he he he he

Minsan naman ako ay nagtratrabaho sa isang financial center na ang mga nagtratrabaho doon ay mga naka suit lahat, kami ay isang design company at halos pinoy ay hindi nagdadamit ng amerika or coat and tie, hindi rin kami required ng kumpanya na mag damit ng corporate attire kaya ok lang na naka shirt at maong pants kami, wala naman nakita kong reklamo sa ibang lahi at wala akong naramdaman na diskriminasyon sa ibang lahi. Minsa kumain kami sa Subway, doon umorder kami ng sandwitch kasam ang ibang lahi, yung isang staff ng subway na pinoy ay nag komento, eto ang kometo ng gunggong “ uy sir, mukhang bagong sahod ahh “ hindi namin pinansin ang gagu at napatawa lang kami, hindi niya alam na mas malaki pa ang sahod namin sa mga kasama naming naka coat and tie ang gunggong na kabayan porke nakita kami na naka t-shirt lang at maong akala niya at salat kami sa pananalapi. Kaya balik ako sa tanong ko, kalian dapat ipagmalaki ang pinoy at kailan ba dapat ikahiya ang pinoy ?

Nasa kasuotan ba yan, nasa sweldo bayan o nasa asal ba yan. Masasabi ka na kayang pagmalaki ang isang pinoy kapag lagi siyang naka tayo sa lupa at tumutulong sa ibang pinoy na nangangaylangan sa abot ng kanyang kakayahan. Kailan naman dapat ikahiya? yung mga gawain ng mga taong nabangit ko yung ang dapat ikahiya, wala akong problema sa pokpok na pinay, pinili niya yun at alam niya yun ang gawain niya pero ang pinoy na nag aastang magaling siya sa lahat ng pinoy yan ang taong ikinahihiya ko.

2 Comments

Filed under Buhay UAE

2 responses to “Pinoy sa UAE, isang maikling kwento

  1. u play darts? lumalaro ka ba sa gulf darters club sa Dubai? my husband play darts too, team mate sya ni mang ben if you are fmiliar with him.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s