OFW ulet!

Balik na ako sa UAE at eto umpisa na nanaman ng trabaho, kung minsan ayaw ko na sana mag bakasyon dahil namimis mo ang mga bagay bagay na di mo na nasanayan. Akala ko kapag kasama ko na pamilya ko hindi na ako ma hohomesick, mali pala ako, paminsan minsan ay na hohomesick ka pa rin kahit nandito na pamilya mo, lalu na kung kagagaling mo lang sa isang masyang bakasyon. Doon na magsimula ang realidad na kailangan kumayod at magsipag para kumita. Minsan inisip ko at tinanong sa ating Diyos kung bakit ako pinanganak na hindi mayaman? o  bakit hindi nalang ako isang politiko o nagtatrabaho sa BIR o kaya’y nasa Customs ang mga magulang ko, o kaya’y bakit hindi na lang ako naging politiko (nasabi ko na pala yun) at magnakaw na lang ng limpak na limpak na salapi para naman may pera sa pinas, alam mo at alam natin na masarap ang may pera sa pinas, lahat nababayaran, natatakpan, nauutusan at nauuto, pero bigla ka na lang gigising sa katotohanan… PAK! ay pinalaki pala ako ng mga magulang ko na may takot sa Diyos, ang maging isang mabuting tao, kaya wasak na ang mga katanungan ko at balik ako sa realidad, na isa akong OFW na kailangan mag sipag para kumita at mag ipon, at hindi ako politiko o nag tratrabaho sa gobyerno.

Gusto ko sana iisahin ang namimis ko ngayon sa pinas at bakit ako homesick

1. ang klima, oo ma-alikabok at mainit sa atin, amoy pawis ka palagi dahil nagtitipid ka sa kuryente at ayaw mo gumamit ng air-con pero mas gusto mo pa rin sa pinas dahil sa klemang ito, atlease sa pinas pinagpapawisan ka, dito sa UAE puro aicon ang mga malls, bahay at kahit maliit na tindahan.

2. ang pagkain, oo tutoo madaming pagkain dito sa UAE at kaya mong bilhin ang anoman gusto mang kainin, kung gusto mo steak araw araw ay pwede, kaya lang hindi kapareho sa pinas na sariwa talaga, pipitas ka lang sa likod ninyo ng bayabas para sa sinigang, kukuha ka lang ng talbos ng kamote sa likod bahay ay ayos na ang gulay.

3. ang pinaka huli ay ang mga mahal mo sa buhay, oo kasama ko ang pamilya ko na sila ang aking buhay, pero namimis ko rin sina papa, mama, aking kapatid na bunso, si ate at si kuya, si stong at stang, si lolo at si lola at syempre aking mga pamangkin.

PAK! gising ulet ako, buti na lang nandito ang pamilya ko at medyo napapawi ang lungkot kapag umuuwi ako ng bahay, hay buhay nga naman, anyway 11 months na lang uuwi nanaman ako.

Pesensya na mga katoto kung senti si ka kiko ngayon, siguro bukas balik na ako sa sarili kong pagka kritiko at mag rereview na ako ng mga bagong pelikula, tao at pangyayari.

Hahana[in ko muna ang ang moment ko sa pagiging OFW ulet!

2 Comments

Filed under Buhay UAE, Life as we know it

2 responses to “OFW ulet!

  1. haha! gusto ko ang pic. gusto ko rin ang hirit sa huli, ahaha!

    talaga? truly as in truli, andyan ka na uli? nakapag-EB ka pa?…🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s