balik bayan

Bilang isang balikbayan, madami ang umiikot sa aking kaisipan sa unang pag baba ko kung saan ako sinilang, may halong galak, pagbabago at balik tanaw sa nakaraan. isa’t kalahating taon na akong hindi umuuwi sa aking bayan ngunit parang kay tagal na ito, naninibago pa rin ako sa kalsada sa probinsya na kay liit at kay bagal ng mga sasakyan, nasanay lang siguro ako sa bilis ng buhay sa UAE kaya ako ay nababagalan sa tricycle ni tatang, madilim din ang mga kalsada at tanging mga maliliit na florecent lamang ang nasa poste na madalas kong ikumpara sa naglalakihang halogen lights sa UAE, napapailing ako sa mga nakikitang kong basura sa kalsada at palaging iniisip kung bakit hindi madisiplina ang mga pinoy sa bayan nila, para naman maging malinis ang kapaligiran, sa aking pagababalik bayan dalawa ang nasa isip ko, mahirap pa rin ang ating bansa at paranag wala na ang pag asa umasenso ito, ngunit sa kabilang banda ay masaya ka dahil kahit anong hirap ng buhay, masaya pa rin ang mga pinoy, nakikita ko sa kanilang mga mata ang galak at sipag, matagal ko ng sinabi sa sarili ko na aalis ako sa inang bayan upang umasenso, ngayong nagawa ko na ito, hindi pala ito sapat na dahilan para maging kuntento sa buhay, bagamat kailang ito para magkaroon ng magandang hinaharap ang aking mga anak, ngunit kailang ko paring limingon at paminsan minsan balikan ang aking bayan, dahil dito ako nag simula at dito ako natuto at dito ako nangarap, parang isang relasyon ang inang bayan sa akin na may re-newal of vows, naalala ko nanaman ulit kung bakit ako nag ibang bansa, naalala ko nanaman ulit na mapalad pala ako at naalala ko nanaman ulit na ako pala ay isang pilipino.

2 Comments

Filed under All about blogging and bloggers

2 responses to “balik bayan

  1. hello, kiko!

    gusto ko ang katapatan ng entry na ito. nagustuhan ko rin ang imagery na iyong ipininta sa kwento.

    iba nga marahil (na hindi rin naman) ang pagtanaw sa paligid at sa bansa ng isang OFW`…🙂

    salamat nga pala sa pagdalaw sa amin.

  2. Tama ka, parang ngang renewal of vows ang proseso tuwing nagbakakasyon tayo sa Pilipinas. Kahit na maraming kakulangan sa bansa natin, hindi ko pa rin ipagpapalit ang Pilipinas at pagiging Filipino ko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s