Si Tatay

Ibat ibang klaseng tatay sa mundo, pero pinoy ata ang isa sa mga tatay na mapag mahal. ibat ibang klase din ang mga pinoy na tatay, eto ang mga sumusunod na sa tingin ko ay ibat ibang tatay:

1. Old Fasion na tatay, eto yung desiplinarian, at old school, strikto sa mga anak na babae pero mapagmahal at maalalahanin.

2. Tahimik na tatay, si tatay na tahimik hindi palakibo, mukhang palaging seryoso pero may tinatagong kakulitan din lalung lalu na kapag nakikipag laro sa mga bata, hindi mahilig mag mall at mag basa lang ng libro o manood ng TV ang bisyo

3. Modern day tatay, eto na siguro ang favorite na tatay ng lahay ng kabataan, siya ang kalaban mo sa Xbox, at ka facebook mo at twitter, mahilig sa sports at madalas kayo mag mall, parang barkada lang, mapagmahal at mahilig sa okasyon dahil madaming barkada. Karamihan sa tatay na ito ay nag oopis o kaya propesyunal o negosyante.

4. Probinsyanong tatay, eto ang isang tatay na old fasion din pero hindi strikto, simple, mahilig sa sabong o tupada, may alagang manok, palaging kasama si kumpare sa lakaran at madalas nagtatago kay nanay.

5. OFW tatay – eto na siguro ang malungkot na tatay sa lahat ngunit eto na siguro ang tatay na nagbigay ng malaking sakrepisyo sa pamilya dahil tiniis ang pangungulila para mabigyan ng mabuting kinabukasan ang pamilya.

Hindi propesyon ang kategoryang ito kungdi ugali ng isang ama sa pamilya, bagamat madami pang masasabi sa tatay, iisa lang ang naisip kong tanging katangian ng isang ama.

Siya ang haligi at tinitilanga ng mga anak, sila ang naghahanap buhay dahis sa pagmamahal sa pamilya at hindi sa sarili lamang.

Sa mga tatay sa mundo, maligayang araw sa inyo.

Sa tatay ko na tulad ko isang  datingt OFW mahal na mahal kita itay, salamat sa lahat🙂

4 Comments

Filed under Life as we know it

4 responses to “Si Tatay

  1. Mabuhay ang mga amang OFW!
    Happy Father’s Day sa’yo Kiko🙂

  2. aba, ang tapang – nag-a-alabsyu sa tatay, haha!🙂

    belated happy father’s day sa ‘yo, kiko!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s