KM2: Magiting na lalaki sa tabing dagat

Iisa lang ang nais kong maging isang magiting na lalaki na sasagip sa isang maharlikang babae, hindi ko maisip na ang banal kong intensiyon ay makakamit ko, at ang aking adhika ng may isang dilag na  luwalhati sa ganda ang nagpakirot sa aking kuyukot , nakita ko siya na nangangalumata, at binalak ko siyang kausapin at tanongin sa kanyang nararamdaman, ngunit ito ay tumakbo at bigla akong may narinig na malakas na putok ng baril na siyang um alingawngaw sa aking yungib ngunit ito pala ay isang isang paputok lamang na sinidihan ng kabataan.

Sa aking pag habol ako ay nasugatan sa isang dikya an alam ko na ito’y magiging peklat , nakita ko ang bibibini na may isang lalaki na pala sumagip sa kanyang tulong at ang panibugho ng aking damdamin ay tumama sa aking kaisipan na para bang bigla na hugot ang aking pagkasaya, mabuti pa siguro at humanap ng mananaggal ng sama ng aking loob sa kabilang ibayo ku saan madaming pulot-pukyutan at mapangaliw na yungib.

Pagakalipas ng ilang araw, nasa isip ko pa rin ang maharlikang babae, bagamat masakit na ang aking lugami sa kakainom ng alak sa pulot-pukyutan, minabuti kong pumasyal ulit sa dagat, at doon ko nakita ang dalag ng aking pangarap, tutoo nga na maharlika ang ganda at ako ay napanibigho ulit sa kanyan aking aliw. Hindi na ko nagdalwang isip, sa pag lapit ko nakarinig ako ng halinghing na akala ko at nanggagaling sa isang tao, ngunit ako ay nabigla sa aking nakita, isang lalake pala ang nasa ilaalim ng saya ng maharlikang babae at doon umiral na naman ang aking panibugho, kumuha ng bato at balak ipalo sa kuyukot, ngunit humugot ako ng lakas at ako ay tumigil sa aking paggalaw at napatingin sa mga napadpad na dikya, at sinabi sa aking sarili na alisin ang panibugho sa aking katawan at ako ay lumayo at siguro babalik sa pulot-pukyutan ng mga babae sa kabilang ibayo.

11 Comments

Filed under Life as we know it

11 responses to “KM2: Magiting na lalaki sa tabing dagat

  1. Maraming salamat po sa pakikilahok sa Kamalayang Malaya 2.

    Ito po ay Kalahok Bilang 38

    38 KM2: MAGITING NA LALAKI SA TABING DAGAT
    Kritikongkiko Abu Dhabi

  2. naunahan ka lang na makilala ang maharlikang babae. hindi ka dapat agad sumuko. sa ibang lalaki man ang halik, malay mo pala, ikaw naman ang sintang awit ng tibok ng kanyang puso.😀

  3. Sir Kamusta naman po?

    Salamat sa pakikilahok sa Kamalayang Malaya 2

    Ito po ay Entry Number 38

  4. HOY! May ganitong shit ka pala. Hindi ko akalain na magpapauto ka din kay Jakul. Like!

  5. Anong ginagawa ng lalaki sa ilalim ng saya ni babae? Haha. Pwede, makisawsaw na nga lang. LOL

  6. ang gusto ko rito ay ang plot – parang sa pantaserye, ahaha.

    kung nabasa mo ang KM2 post ni sphere (Amayo epic epic), masasabi mong medyo magkamag-anak kayo ng kakulitan, haha!🙂

  7. Baka naman may dikya sa ilalim ng saya? Hindi kaya?

    Sir, ayon natawa ako ng maraming marami dito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s