malungkot o masya

malungkot ako dahil tambak ang trabaho ko

masaya ako dahil may trabho ako

malungkot ako dahil namimis ko pinas

masaya ako dahil uuwin ako para magbakasyon sa darating na katapusan ng buwan

malungkot ako dahil mahirap na ang buhay ngayon

masaya ako dahil kahit mahirapm ang buhay nabibili ko pa ang gusto ko

nalulungkot ako dahil hindi pa nahahatulan ang mga ampatuan

masaya ako dahil nakakulong pa rin sila

nalulungkot ako dahil hindi pa nakukulong sio Gloria Arroyo sa mga ninakaw niya

masaya ako dahil alam ko may karma at makakarma din sya

Kung iisipin mo lahat ng masama sa buhay at mga kasakiman ng tao hindi ka sasaya sa buhay mo, ngunit kung titignan mo biyaya ng Dios sa iyo at mga taong nagmamahal sa iyo sasaya ang buhay mo… alam natin yan.. at hindi ako senti.. nagpapaliwanag lang

sa madaling salita ano ang pinupuntirya ko?

ewan ko, basta ang alam ko may Jueteng pa rin sa pinas, at mapangyarihan pa rin ang mga politikong ayaw bumaba sa pwesto.

Hindi ko alam kung bakit mainit ang dugo ko sa mga politiko, marahil wala pa akong nakitang mabuting ginawa nila, meron dyan kasama kasa yung sikat na boksengero na congressman din pala, yung isa dyan nag nakaw ng sandamukal na salapi pero di parin makabili ng growth hormones, meron dyan naka kulong nga pero nakakalabas naman pala at nag daday-off, meron dyan bantay sarado nga sa kulungan pero siya pala hari doon at meron isa dyan pilit pinalilibing sa libingan ng mga bayani ang asawa, aba aba aba.. balik mo muna ang bilyong bilyon ninakaw ninyo…. (nangarap pa ako.. asa pa ako)

Ano man ang nasa isip natin o ano man ang balakid natin, nasa tao lamang kung gusto niyang sumaya, nasa tao lang…

2 Comments

Filed under Life as we know it

2 responses to “malungkot o masya

  1. masaya ako dahil beys na naman ako…🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s