Moments sa buhay

Ilang taon na rin akong tao (dati akong alien.. juk)at sa haba ng taon na ito naalala ko ang mga moments a buhay ko, ano ang moments? Ito ang hindi mo makalimutan na pangyayari na nagpapasaya sa iyo.

Kaya naisipan ko ilista ang mga moments ng buhay ko at gaano ito kasaya at sana ma ikumpara mo sa buhay nyo.

  1. Childhood moments, bata pa si kiko, at mahilig ng maglaro sa kalye kasama ang mga katropa, yun na siguru ang purung purung saya ng isang tao kapag tayo ay bata pa, walang iniisip na girlfriends, walang iniisip na career, o anuman, basta noong bata ako ang iniisip ko lang ay mag laro, mamasyal at maging masaya.
  2. Binatilyo moments, eto na siguro ang weird na moments sa akin dahil, nag iiba na ang gusto mo, basketball na gusto mong laro, medyo napapatingin ka na sa mga chicks. Pero tulad ng childhood moments, hangang ngayon naiisip ko pa yung pasulyap sulyap sa mga magagandang dalaga sa amin, ang pagkamakulit at mapag biro sa mga kababaihan. Marunong na pumorma or mag ayos ng damit.
  3. High School moments, isa sa pinaka masayang moments sa buhay ko dahil teenager ka na, at syempre marunong na kaming makipag sayawan sa kabilang barrio, makipag kilala at makipag kaibigan sa mga naggagandahang dilag, uso sayawan sa amin noon, sa basketball court karamihan iyon dinaraos at hindi ko makakalimutan ang 1st time kong sumayaw ng sweet sa isang magandang dilag, iba ang pakiramdam.
  4. Collage moments, eto na siguro ang pinaka masayang moments ko sa buhay ko, dito ako natutong maging mature, maging responsible at piliin kung paano maging masaya. Madaming tukso at bisyo ang naharapan ko sa kolehiyo, pero pinili ko pa rin ang daang matuwid (parang Pnoy) kaya lahat ng collage time ko magbuhat 1st year up to 5th year happy moments. Hindi lang naman ako ang nagsasabi nun, pati mga barkada ko sa kolehiyo kapag nag rereunion kami yang ang palaging banggit sa akin, hangang ngayon kapag walang magawa, naalala ko pa mga kabalastugan at kasiyan ng buhay ng isang kolehiyo.
  5. Partner in life moments, noong liniligawan ko pa si esmi, at mag syota pa kami, isa sa di ko malilimutang moments iyon sa buhay ko, ang pag date, kakain sa labas, manonood ng sine, noong kinasal kami  hangang sa bagong kasal kami at maliit na apartment lang ang bahay naming, wala pa kaming ipon at sakto lamang ang pera naming sa araw araw na gastusin, mahirap pero masarap dahil sa unang pagkakataon sa iyong buhay may kasalo ka sa buhay at kayo ang nasusunod sa buhay nyo.
  6. Unang anak moments, ewan ko di ko ma explain basta ibang iba ang feeling, kapag nakita mo ang unang baby mo at hawak mo, madami ang papasok sa utak mo, kesyo paano na ito tatay na ako, hindi dapat magutom anak ko, mag ipon sa kinabikasan nya at ibat iba pang iniisip, nakaka takot na masaya na overwhelming na ewan.
  7. Makita mong lumalaki na ang mga anak ko moments, sa unang kaarawan ng panganay ko, sa pag pasok nya sa school, pag graduate niya ng kinder, pag hatid sa school, hangang ngayon my moments pa rin ako masaya kapag nakikita silang masarap ang tulog sa bahay, hataw sa pagkain, nawawala ang pagod ko kapag uuwi ng bahay at makikita mo silang nakatawa at sasalubong sa iyo.

Hangang dito pa lang ang mga moments ko wala pang kasunod… siguro kapag nakapagtapos na sila ng high school or collage or kaya kinasal na sila at may apo na ako, hindi ko pa alam ang magiging reaksyon ko, pero isa lang ang alam ko, sigurado magiging masaya ako para sa kanila.

Babalikan ko ang post kong ito pagkatapos ng ilang tao at uusisain ang mga moments ko sa buhay, ikaw, ano ang mga moments mo sa buhay?

2 Comments

Filed under Life as we know it

2 responses to “Moments sa buhay

  1. beys uli! yan, moment na ‘yan para sa ‘kin – ang maka-base, haha…

    parang magbi-birthday,ah? may assessment?🙂

    btw, ang isang masayang moment sa ‘kin ay fourth year HS. no’n kasi namin nadiskubreng mas masarap pala ang gumala kesa sa mag-aral, haha!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s