How to cook Arroz Valenciana Capampangan style

Maliit pa ako gustong gusto ko na ang arroz valencianan ni nanay, naalala ko pa noon na tuwing fiesta sa amin hindi nawawala ang putaheng ito.

Para sa di nakakaalam sa arroz valenciana o “biringhe” sa amin ito ay isang uri ng malagkit na kanin na may manok, atay ng manok, itlog ng pugo, bell pepper, carrot, luyang dilay (turmeric powder) at gata. Masarap ito kung may kasamang asodong baboy or menudo.

Paano lutuin ang masarap na pagkain na ito?

Eto ang mga sangkap: (good for 4-5 na katao)

  • malagkit na kanin (1/4 kilos o 4 cups)
  • gata ng niyog (4 cups)
  • manok (isang buong manok, 1 kilo)
  • atay at balunbalunan ng manok (1/4 kilo)
  • bell pepper (2 pices)
  • sibuyas at bawang (1 to 2 piece)
  • itlog ng pugo (1 dozen)
  • patis
  • carrots
  • pasas
  • chorizzo
  • luyang dilaw o kaya turmenic powder

Hind kumpleto ang biringhe kung walang "luyang dilaw o turmeric sa ingles"

Panno lutuin.

  1. ihanda ang lahat ng rekado, cut in small pieces ang manok, pre boil ang itlog ng pugo at balatan, pre boil ang atay ng manok, mag hiwa ng sibuyas, bawang, carrots, corizzo at bell pepper, ihanda ang gata, hugasan ang malagkit at kung wala kayong luyang dilaw na fesh, pwede kayong bumili ng turmeric powder sa groceries, kapag fresh na luyang dilay ang gamit ninyo, isama sa gisa at manipis ang hiwa.
  2. Mag gisa ng bawang at sibuyas at patis.
  3. Ilagay ang malilit na hiwa ng manok, at igisa ito hangang maluto
  4. ibuhos ang gata, malagkit, pasas, bell pepper, carrots, atay ng manok, luyang dilaw in powder or parang luya na cut into thin slice, chorizzo at itlog ng pugo (wala na dapat balat ang itlog ha)
  5. haluin ng dahan-dahan at mabuti at very very low fire at lagyan ng konting asin.
  6. takpan at hintayin maluto for about 20 to 30 minutes.

Tips:

mas maganda kung non-stick pan ang iyong paglulutuin, pwede ding gumamit ng palayok, bago transfer sa palayong maganda ding lagyan ng dahon ng saging ang loob ng palayok at doon ilagay ang halong pagkain at takpan with low heat.

Enjoy sa pagluluto, balitaan ninyo ako kung success ang luto ninyo.

9 Comments

Filed under Food Food Food

9 responses to “How to cook Arroz Valenciana Capampangan style

  1. susme pagkain… nanlalaki mata ko hehehe… manyaman yan!

  2. manyaman nga! joyo, marunong ka ring magluto?🙂 btw, marunong akong kumain, hehe…

    sa sunod mong pag-uwi, isabay mo si manong kiko tapos, puntahan natin sya sa kanila at paglutuin natin ng arroz valenciana, hihi… tapos, punta naman tayo sa inyo at doon ka maglabas ng senor curvo, haha!

    oks ba proposal ko, kiko?🙂 haha…

  3. May nakita akong picture dati sa Bale Dutung (sa Angeles) noong nag kapampangan tour kami na nagluto ng pinakamalaking biringhe. Hindi pa ako nakakatikim nyan. Ita-try ko ipaluto sa cook namin.🙂

  4. myfilthyroom

    naglaway ako bigla dito. namiss ko na din kumain nyan.😀

  5. tim

    that’s a yum yum food!!

  6. cherrie ann

    manyaman pin! certified lutong kapampangan… am gonna try this for my hubby and kids. Thanks for the recipe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s