Tag Ulan at Tag Araw

I was in collage when these songs are famous at kahit anong sabihin pa ng iba kapag naririnig ko ang mga kantang ito may ibang meaning sa akin. (senti mode si ka kiko)

 

Tag ulan

Minsan ika’y nag-iisa walang makasama

Di malaman sa’n tutungo naghahanap, nag-iisip

kung sa’n babaling dito sa mundong mapaglaro

At tuwing ika’y nalulumbay di makakita

Nais mo ay may makasama

Sa `yong lungkot akala

mo ika’y nag-iisa Narito ako’t kapiling ka

Kung nais mo ika’y lumuha

Ako’y makikinig sa bawat salita

Kapag umuulan bumubuhos ang langit

Sa `yong mga mata—

Kapag mayroong unos ay aagos ang luha

Ngunit di ka mag-iisa– kaibigan

Kay rami ng mga tanong sa `yong isipan

Nais mo lamang ay malaman

Bakit nagkaganoon ang nangyari sa `yong buhay

Tanong mo man sa `ki’y `di ko alam

Handa akong maging tanggulan

Sa tuwing sasapit sa `yo ang tag_ulan oh

Kapag umuulan bumubuhos ang langit

Sa `yong mga mata–

Kapag mayroong unos ay aagos ang luha

Ngunit di ka mag-iisa–

Ako’y naririto naghihintay lamang

sa `yo tumawag ka’t ako ay tatakbo sa piling mo

Kaibigan kaibigan kaibigan

Kapag umuulan bumubuhos ang langit

Sa `yong mga mata–

Kapag mayroong unos ay aagos ang luha

Ngunit di ka mag-iisa kaibigan

Kaibigan Kaibigan

 

Tag araw

Ikot ng mundo, tila ay bumabagal
Ngunit alam kong ‘di na rin magtatagal
Ang aking hinihintay ay makakamit
Pagkat bughaw na ang kulay ng ating langit

Pilitin man ay ‘di mo na mapipigil
Ang kanyang pag-ahon, ang kanyang paggising

Ikaw lamang ang nais kong kapiling kung darating ang tag-araw
Lagi na lamang aking nasasa-isip ang pagsapit ng tag-araw

Sana ang init mo’y aking maramdaman
Araw na nagdaan ay ‘di ko na mabilang
Sa ‘king paghihintay, ako’y nasasabik
Pinapanalangin na ang ‘yong pagbabalik

Huwag mo na sana sa aki’y ipagkait
Ang tanging hangarin na ika’y makapiling

Hanggang kailan kaya ako maghihintay
Upang ang tag-araw sa akin ay kusa nang ibigay

2 Comments

Filed under Songs

2 responses to “Tag Ulan at Tag Araw

  1. You are very well-versed. I like your blog so much.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s