Top 10 hindi ko malilimutan sa Kwaresma

 

Ngayon lang ako may time na magsulat tungkol sa kwaresmas, hindi ko namalayan na tapos na pala. Magmula noong bata ako nalala ko ang araw ng kwaresma bilang summer and fun, laki ako sa catholic school kaya by faith alam ko rin ang kahulugan ng kwaresma sa akin, ngunit nang nagging OFW ako nawala na ang meaning ng kwaresma sa akin at ang feeling at ambiance ng kwaresma, kase naman may pasok ang holy week sa amin, biyernes lang ang walang pasok, sabado de Gloria at easter Sunday ay may pasok din kaya hindi mo ma feel ang Holy ng week. Kaya naisipan ko na lang mag reminiscence (ingles yun) o balik ala ala sa nakaraang kweresma noong binata pa ako at madaming aktibidades na magawa sa kwaresma.

Eto ang Top 10 hindi ko malilimutan sa Kwaresma

1. Sabado bago mag Palm Sunday – Sa umpisa ng Lingo ng holy week (Palm Sunday) o palaspas sa amin, sabado pa lamang at nag kukumpuni na kami ng dahon ng niyog para gawin palaspas, napakasaya ng barkada kapag sabay sabay silang gumagawa ng palaspas ay ibat ibang hugis at design ang mga ito. May kasamang harutan at kantyawan sa aktibidad na ito na hindi mo mapagpapalit. Marunong akong gumawa ng palaspas, mag grass hopper style o Duron sa amin at yung tradisyunal na “espada” style.

2. Pag kolekta ng pera sa mga bahay- bahay para sa “Passion” o “Pabasa” – sa amin may mga young officers na edad 13 to 20 ang magiging  “Pabasa Officers” sila ang mag oorganize ng altar at location ng pabasa, karamihan sa basketball court namin ginagawa ang pabasa, kaya ang mga binata ay nag hihram ng mga tolda (tent) sa mga kapitbahay at itatayo iyon sa basketball court, at maglalagay altar, mga mesa, upuan at sound system.

3. Pag imbita ng nagbabasa- parte ng bilang organizer ng pabasa ay makikiusap ka sa mga nakatatanda kung sino ang gustong bumasa at kayo ang gagawa ng schedule, tatanungin nyo kung anong oras sila bakante o pwedeng bumasa at dapat at naka schedule sila sa buong 24 oras na pabasa.

4. Pagluto ng miryenda sa pabasa, – eto ang paborito kong parte, dahil may libreng tikim, karamihan mga kababaihan ang nagsasagawa nito at syempre ako ang alalay sa pamamalengke.

5. Pursisyon – isang tradisyon na hindi mo malilimutan dahil isa ito sa mga magandang bahagi ng kwaresma, ginaganap ito sa amin kapag miyerkules santo.

6. Bisita sa mga ibang pabasa – sa aming nayon, usong uso ang bumisita sa ibat ibang pabasa, araw ng miyerkules din ito, kapag napagod ka na sa pursisyon, diretso ka na sa mga pabasa at makiki kain ka na, ibat iba ang handa sa amin, may arroscaldo, sotanghon, sandwich, ulam at kanin at ice cream. Minsan kami ang mag babasa para naman makapag bayad sa kinain namin.

7. Bisita Iglesia – pitong simbahan sa pitong lugar, may kasamang harutan, tawanan, kantyawan, pero kapag nasa simbahan na ay tahimik at seryoso kang makikiusap kay papa Jesus. Eto na siguro ang pinaka solem sa buong holy week, pagkatapos ng bisita iglesia kakain kayo sa labas.

8. Panonood ng mga nag pepenetensya, sa amin sa pampanga di mawawala ang mga nagpipinetensya o “magdarame” ang tawag sa amin, madaming klase na nagpipinetensya sa amin, mayroon yung nagpapalo ng likod hangang dumugo, (sinusugatan ng maliliit na sugat gamit ang blade sa likod para dumugo), ang nagbubuhat ng krus, ang dumadapa sa kalye at pinapalo at ang pagpapako mismo sa krus.

9. Salubong – sa madaling araw ng Easter Sunday or Lingo ng pagkabuhay, may tinatawag kaming salubong, at doon maghaharap sina Birhen Maria at Hesus, doon tatanggaling ng isang angel ang maitin na belo ni Birhen Maria.

10 Pagpasabog kay Hudas – pagkatapos ng misa sa lingo ng pagkabuhay may tutugtog na banda at doon sa church compound ay may maliit na stage at isang effigy ni Hudas gumagalaw pa ito, pagkatapos ng isang tugtog ng banda, ayan na unti unting pumuputok si Hudas at malakas na pagsabog sa kanyan ulo. Ito ang katapusan ng kwaresma, uuwi na ang mga tao sa bahay nila at kakain, yung iba makikipag fiesta sa ibayong barrio ng Sto Tomas  para makikikain.

Napaka solem at masaya ng kwaresma sa amin, hindi kami nag swiswiming o pumupunta sa beach gaya ng ibang mga tao, sa amin ang kwaresma ay isang community gathering, masaya at may time for reflection, ito siguro para sa akin ang tamang Holy Week, may community bonding at reflection, gaya ni papa Jesus, sa kanyan huling hapunan, sama sama kami kumakain sa mga pabasa at nagdadasal sa bisita iglesia at pursisyon.

4 Comments

Filed under Movies

4 responses to “Top 10 hindi ko malilimutan sa Kwaresma

  1. hello, kiko! ang galing, na-cover halos lahat nitong post mo – thumbs up!🙂

  2. salamat po : ), nakakamis nga noong nasa pinas pa ako at samsama ang buong community para mag nilay at ipagdiwang ang kwaresma.

  3. Pinaka namiss ko yung prusisyon. First time ko marinig yung tungkol sa pagpasabog kay Hudas.😉

    • tradisyun sa amin yun, hindi ko alam kung kailan nag umpisa basta ang alam ko maliit pa ako ganyan na ang tradisyon namin bilang simbolo na nagtaksil si Hudas kay papa Jesus. Salamat sa pagdalaw🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s