Top 10 na palusot or paraan para maka utot ka ng di halata

 

Medyo may kabahuan ang post ko ngayon tungkol ito sa utot o “Fart” sa ingles, bago ako mag simula nais ko lang ibigay ang kategorya ng mga utot.

May dalawang klaseng utot lamang, yung may tunog at yung walang tunog, karamihan yung walang tunog ang matindi ang amoy at ang may tunog ang walang amoy.

Dahil isa akong pala utot na tao, eto ang top 10 na palusot or paraan para maka utot ka ng di halata.

  1. Kung alam mong may sound ang utot mo, dahan dahan kang uubo. Ng malakas sabay utot,  Ahhem! At baka malalusot ka, nasa timing lang yan dapat umubo ka ng may sumasabay na nagtatawanan o pasigaw ang isang tao para ma divert ang attension nila at di sa utot na nilikha mo. Huwag na huwag mong gagawin ito sa loob ng simbahan o library o kung saan mang tahimik na lugar siguradong bokya ka.
  2. Kung alam mong may tunog ang utot mo, mag dabog ka ng paa, ayun .. wala ng makaka halata ng utot mo, sabayan mo pa ng “ay ipis.. pak” , ulet ma didivert ang atensiyon nila sa imaginary ipis mo.
  3. Kung alam mong may tunog ang utot mo, bigla kang tatakbo sa labas kunwari may nakalimutan ko o may hinahabol kang isang tao, make sure lang na mapipigil mo pa ang utot mo hanggang makalayo ka sa kanila.
  4. Kung alam mong may tunog ang utot mo, try to relaks, iangat ng konti ang puwet mo kung naka upo ka, at dahan dahan release na patay malisya, epektib ito lalung lalu na kung busy ang lahat.
  5. Kung alam mong may tunog ang utot mo, pasimple kang mag CR, sa CR keber kung singlakas ng atomic bomb ang utot mo, ito ata ang utot zone.
  6. Kung alam mong may tunog ang utot mo, at narinig ng mga kasama mo, palusot ka na lang, “pasensya na ahh mamaya pupunta ako sa doctor, kase mababa ang ubo ko” o kaya “ bakit may palaka sa ilalim ng mesa?”
  7. Kung alam mong walang tunog ang utot mo pero may amoy, walang ibang gawin kung hindi mag akusa ng iba! “ hoy pedro mag cr ka nga at ang baho ng utot mo!”
  8. Kung alam mong may tunog ang utot mo at alam mong mabaho ang utot mo eto ang tanging gawin mo.. “ alis tayo dito may sasabog na bomba!”
  9. Kung alam mong may tunog ang utot mo at di mo na mapigilan, siguraduhin mong walang makakakilala sa iyo (tulad sa MRT)
  10. Kung hindi mo alam kung may tunog o wala ang utot mo at kung hindi mo rin alam kung may amoy o wala ang utot mo, isa lang ang magandang gawing dyan, sabihan mo na sila in advance “excuse me… I will Fart for a little while”

Sabi nga ni ka Romeo.. “Farting is such sweet sorrow”

Tanong mo naman sa akin, “pano mo malalaman kung may tunog o may amoy ang utot mo?”

Ang sagot ko.. “aba ewan? Basta ako alam ko!”

Have a refreshing day everyone. Usapang utot lang.

Leave a comment

Filed under Top 10

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s