Top 10 na dahilan kapag late ka

Karamihan sa atin ay nakikipag trabaho lamang kaya di natin hawak oras natin, di katulad ng isang negosyante, siya ang boss kaya pwedeng ano mang oras sila pumasok nasa sa kanyan na lang yun kung gusto nyang malugi ang negosyo nya. Pero sa atin ordinaryong manggagawa eto ang top 10 na dahilan bakit tayo late:

10. May transport strike – di pwedeng dahilan ito sa UAE dahil di uso dito ang strike strike, pero sa bayan nating sinilangan ay usong uso ito, kaya madalas sabihing dahilan ay “Sir wala po kaseng masakyan.. strike kase.. uwi na po ba tayo?”

9. May baha sa amin o kaya Malakas ang ulan – di rin pwedeng dahian ito sa UAE kase naman 3 beses lang ata umulan sa isang taon at 4 gives pa kapag bumuhos

8. Di kaagad nakaligo dahil walang tubig – paminsan minsa nawawalan din ng tubig sa UAE, pero bihira lang, pero kapag nasa Manila ka, madalas ganyan ang dahilan ng isang sexytary ni boss “boosssss… pasensya naaaa at late na me nakaligooo, kase wala water bawi na lang mamaya (lande)”

7. Na siraan ng sasakyan o kaya naplattan ng gulong o kaya nagka aksidente – kung minsan tutoo ang rason na ito, pero por Dios por santo, araw araw na lang na plaplat ang gulong ng jeep na sinasakyan mo, baka may dala kang pako?

6. May emergency sa bahay – isa malimit na dahilan ito, kahit ata ako ginamit ko na itong dahilan kapag na lalate ako, kaya lang noong minsan tinanong ako ng boss kung sa Hospital daw ako nakatira dahil puro na lang emergency ang dahilan ko.

5. Masama ang pakiramdam – eto pang isa sa madalas gamitin, minsan tutoo naman, minsan kase di mo malaman kung ano ang dumapo sa katawang lupa mo at ang sakit sakit ng katawan mo.

4. Napuyat at di maagang nakagising – Well in fairness honest ka kapag ito ang dahilan mo, kaya sa susunod maaga kang matulog ha.

3. Nakalimutan mag alarm sa cellphone – Buti na lang at uso na cellphone paano kapag walang cellphone anon a dahilan mo, wala kang alarm clock? Pero madalas ito dahilan kaya late ang isang empleyado.

2. Akala ko Lingo na – wheeeh di nga?

1. Traffic kase – eto na siguro ang gasgas na gasgas to the max na dahilan bakit ka late! Try mo kayang mag biyahe ng 5:30 AM!

Hindi ko naman sinasabi na masama ang maging late o kaya di pwedeng malate, pero minsan nakakatuwa ang mga dahilan ng ibang tao dahil late sila. Ang sabi nga ng dati kong boss ay “ you respect other people’s time” kung sila ay masipag na pumasok on time, mahiya ka naman sa balat mo at ikaw rin ay maaga ang attendance.

Bato bato sa langit ang tamaan ay may bukol at malalate siya bukas… he he he

4 Comments

Filed under Top 10

4 responses to “Top 10 na dahilan kapag late ka

  1. hay, salamat! this time, di ako late… beys me!

    hello, kiko!😀

  2. mukhang palagi kang late ah? sino ba naman ang hindi na lalate paminsan minsan : )

    • sa pagsusulat, hindi ako late. sa assignments, bihira. pero sa meetings, nali-late ako… minsan, ang tagal kong mag-CR. minsan, ninerbyos, haha…

      dito sa site mo, bihira akong late sa pagbasa ng posts, ha?🙂

      • Salamat na marami, sa comment, ikaw nga lang ata nag cocoment sa post ko ha ha ha ha may kasama pang LOL.
        bihira na nga akong mag post ngayos dahil super busy sa trabaho.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s